Chapter 19:
Almost Caught
Zaya's POV
It's weekend. I'm still grounded because of what happened last time but I'm a pretty bad daughter. They say I'm badass and I always break the rules.
Importante naman kasi ang pupuntahan ko. Kailangan ko lang siguraduhin na hindi ako mahuhuli ni Dad. Kung hindi, baka hindi na talaga ako makalabas ng bahay kahit kailan.
"Manang, nasaan si Daddy?" Tanong ko habang kumakain ng almusal. Hindi ko kasi nakita si Dad kaninang pagkagising ko.
"Pumunta sa trabaho. May kailangan yatang tapusin."
Nagdiwang agad ako sa isip ko. Pumapabor sa akin ang lahat.
"Manang, I will go to my friends after I eat." Paalam ko. Minsan ay makabubuti din kung magsinungaling.
"Kaibigan? May mga kaibigan ka na?" Aniya na parang hindi makapaniwala.
"Yes. You see, I haven't gone to disciplines in our school for the past two months. Isn't it a good sign?" Napansin ko din 'yan sa sarili ko. Parang ang laking achievement na kasi dahil nakaiwas ako sa gulo sa loob ng dalawang buwan. Parang kailan lang ng mag-transfer ako.
"Mabuti naman kung ganon. Mas mabuti kung babagohin mo na iyang ugali mo para magkaroon ka na ng mga kaibigan."
Binilisan ko ang pagkain, pagligo at pag-aayos. Sinabihan ko na din si Hilda na mag-ayos dahil isasama ko siya sakin para hindi masyadong makahalata si Manang.
Napangiwi ako nang makita ko na naman ang suot ni Hilda. Wala na ba siyang ibang damit? Tsk.
"Let's go." Hindi ko na pinuna pa ang damit niya at nagmaneho na lang. Hindi rin naman nagtagal at huminto ako.
Nandito kami ngayon para hanapin ang opisina ng private investigator na kinuha ni Daddy sa nangyari kay Mommy.
"Mr. Ong, wala na ba talaga akong ibang sagot na maririnig sayo?" Every time I go here, his answer is always like this.
"I told you, Ms. Olegarco, no foul play. It's pure accident. Una, wala talagang air bag. Pangalawa, na-flat ang gulong ng kotse niyo dahil sa lubak na daanan." I sighed. Anong magagawa ko? Imbestigador siya, estudyante lang ako.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Novela JuvenilSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
