CHAPTER 73

961 77 19
                                    

Chapter 73:
Recording


Zaya’s POV

Simula no’ng sabihin ko kay Gray na tulungan niya akong magmove-on ay kung saan-saan niya na ako dinadala. Noong isang araw lang ay maghapon kami sa mall. We ate, we talk, and watched movies. Halos ubusin yata namin ang showing ngayon na mga movies. And I agree, nagawa kong makalimutan ang nangyari habang kasama ko si Gray.

“Para sa Operation Move On, sisimulan natin ‘yon sa pagtatapon ng basura.” Tanong niya isang araw na yayain niya akong lumabas at pumunta sa park. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ano naman ang koneksiyon ng basura sa pagmo-move on? Niloloko lang yata ako ng lalaking ‘to.

“Seriously, Gray?”

“Do I look like I’m kidding?” Umiling agad ako. Sobrang seryoso kasi. “Give me your phone. Don’t worry, hindi ko naman itatapon ang phone mo.” Ibinigay ko na lang ang cellp phone ko sa kaniya at agad niya namang kinalikot iyon.

“Dapat dito sa phone mo, nililinis. Ang papangit ng mga nakalagay oh.” Aniya pa at ipinakita ang mga pictures sa gallery ko. Naka-open iyon sa isang folder na puro pictures namin ni Paris ang laman. Hindi ko pa pala nabubura ang mga ‘yon. “Buburahin na natin ‘to lahat. Ang papangit naman kasi. Mas gwapo pa ‘ko d’yan.”

“Yabang…”

“Hindi ako mayabang. Gwapo lang.” Napapailing na lang ako sa kahanginan ni Gray. Mabuti nga at hindi pa ako natatangay ng ipo-ipo sa paligid niya.

Maya-maya ay nabigla ako nang akbayan niya ako at itinapat sa amin ang cell phone ko. He started taking pictures of us. Hindi ko inaasahan kaya nakatingin lang ako sa kaniya. Habang siya naman ay ngiting-ngiti sa harap ng camera.

“Ngiti naman d’yan.” Aniya pa at iniharap ang mukha ko sa camera. I just gave a small smile. Mukhang hindi siya nakuntento sa mga pose ko kaya halos pagtripan niya na ang mukha ko.

Una ay kinurot niya ang pisngi ko at mahina itong hinila. Ako naman ay mukhang inis. He took that as an advantage then he keep clicking the camera. He also made a peace sign above my head.

Baliw talaga siya minsan at isip bata…Para akong nabunutan ng tinik nang tumigil siya at tinignan ang mga pictures namin.

“You look cute on this one. On this, too and here.” He said while swiping the screen of my phone. I got curious on how do we look like in pictures so I moved closer to him and peek on the phone screen.

“Cute daw. Ang pangit kaya.”

“Anong pangit? Maganda kaya, kasi maganda ka rin. Hindi nga masyadong nakuha ng camera ang kagandahan mo.” Mahinang usal niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Hindi ko naman inasahan na nakatingin rin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na pala namin sa isa’t isa lalo na ang mga mukha namin.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya lihim akong napalunok. Nag-flash sa utak ko ang nangyari sa amin noong nakulong kami sa detention room. Iyon ang araw na aksidenteng lumapat ang labi ko sa kaniya.

“Zaya…” Nasa mababang tono ang boses niya. Unti-unting lumapit ang mukha ni Gray sakin. Para namang lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Habang palapit siya ng palapit ay mas lumalakas rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging reaksiyon ng puso ko para kay Gray. I hate to admit to myself but it’s to soon…

Ilang inches na lang ang pagitan ng mga labi namin nang biglang mag-ring ang cell phone. Agad naming iniwas ang tingin namin sa isa’t isa at umusog rin para bigyang distansiya ang mga katawan namin. Inagaw ko ang phone ko sa kamay niya at sinagot ang tawag.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon