Chapter 59:
I Knew It
Zaya’s POV
Natapos na namin agad ang mga projects namin kaya ang pinagtutuonan na ngayon ng pansin ay ang school fest. It’s been a week since the basketball team are practicing. Akala ko nga ay ngayon lang sila magpa-practice pero ang sabi naman ni Gray ay nagpa-practice sila during weekends.
“Kulang pa ang practice niyo. Siguradong mananalo ang dati kong school.” Sabi ko sa kanila habang hawak ang frappe ko. Nandito kami sa school’s gymnasium. Dapat sana ay nasa bahay lang ako pero nagawa akong pilitin ni Runa na manood ng practice nila.
“Ano ba naman ‘yan, Zaya? Kahapon ka pa, ah.” Reklamo ni Gray dahil sa mga sinasabi ko. Totoo naman kasi. Nasa dati pa akong school at nakikita ko na ang pagpa-practice nila Paris.
“Kaya nga. Baka hindi talaga kami manalo niyan dahil sinasabotahe mo.” Anas naman ni Jun.
“They’re right, Zaya. We should support them.” Si Runa naman ngayon.
“Kami ang mananalo. Lalampasuhin ko ‘yang Paris mo.” Mariing sabi ni Gray. I just shut my mouth. Pinagtulungan na nila ako kaya wala na akong magagawa.
“Oo na. Kayo na ang mananalo.” Nasabi ko na lang dahil baka magalit sila. Tama naman sila. Sila dapat ang suportahan ko dahil ito na ang school ko. Pero kailangan ko pa rin namang suportahan si Paris.
“Pustahan, Zaya. Mananalo kami.” Gray uttered with so much confidence. Hindi naman ako nagpatalo.
“Okay. Kapag natalo kayo, you’ll supply me my favorite chocolate frappe for this school year.” Magiging madali lang naman iyon sa kaniya dahil mayaman naman sila. He’s the son of the school owner after all.
“Kapag nanalo naman kami, you’ll grant three wishes from me.” Natigilan ako saglit. Paano pala kapag kung ano-ano na lang ang hingin niya sakin? Pero sa huli…
“Okay, deal.”
“Yes!” Aniya na napasuntok pa sa ere. Sabi ko na nga ba at mukhang may binabalak ang isang ‘to.
***
Gray’s POV
Gusto kong mainis kay Zaya pero kahit na anong pilit ko ay hindi ko magawa. Gan’yan talaga siguro kapag mahal mo. Hinding-hindi mo magagawang magalit o mainis man lang sa kaniya.
Bigla na lang akong sinapian ng isang Gino na mahilig sa mga pustahan. Nakakainis lang kasi na marinig na todo suporta siya sa Paris na ‘yon. Baka mamaya ay tama pa ang hinala ko tungkol sa boyfriend niya.
At para malaman ‘yon, pagkatapos ng practice ay agad kong nilapitan si Zaya para hingin ang number ni Carter.
“Zaya, can I get Carter’s number?”
“Why? Akala ko ba ay magkaaway kayo?”
“Oo, noon. Hindi na ngayon. Pinatawad na namin ang isa’t isa.”
“Mabuti naman.” Tugon nito at saka inilabas ang cellphone niya. “Oh, hanapin mo na lang d’yan ang number ni Carter. I need to use the comfort room.” Agad kong inabot ang cellphone niya at siya naman ay tinawag si Runa. Binuksan ko ang phone niya at nanghihingi ito ng password. Mabuti at hindi pa ito gaanong nakakalayo.
“Anong password? Paris?” Iyon agad ang naisip ko. Mahal na mahal niya ‘yon eh.
“No. Just type Sunshine.” Gusto ko pa sanang magtanong pero hinila niya na si Runa. Nasobrahan yata sa chocolate frappe. I smiled. Paborito niya talaga ang frappe. Nakaubos ito ng tatlo habang nagpa-practice kami. Large pa talaga ang inorder niya.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
