CHAPTER 94

668 49 13
                                        

Chapter 94:
Not Enough

Zaya’s POV

Hindi sinabi ni Gray. Hindi niya binanggit ang mga salitang ‘yon. Siguro ay mali nga lang talaga ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Pwedeng sorry na, tama na, o kaya tangina. Hindi ko alam. Hindi niya sinabi kaya siguro nga ay mali ako.

“Zi, let’s go!” Nakita ko ang papalapit na si Alexis. Kita ko kung paano siya gulamalaw. Mahinhin siya at mukha namang mabait. Sa akin lang yata hindi. Hindi ko na gusto ng away pero kapag tumitingin sa akin ang Alexis na ‘to, parang lagi siyang manghahamon. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka kung ano na naman ang magawa ko.

“Lex, saglit lang, ah? Hihintayin muna natin ang sundo nila Zaya.” Napatingin ako kay Gray pero ang tingin niya ay nasa kay Alexis lang.

“Huh? Eh, hindi ba may driver naman sila? It will be here anytime soon.” Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at inabala na lang ang sarili sa paghihintay ng sundo namin.

“I know, but I need to make sure that they will go home safely.” Tugon naman ni Gray. Napansin ko lang nitong mga nakaraan na parang naging caring siya sa akin. I’m not assuming anything and giving meanings to his actions. Maybe, they are just his ways to make it up to me. Tinatatak ko na rin sa isip ko na wala nga lang talaga ang mga ipinapakita niya.

“Nakakatampo ka na, Zi. I thought you missed me? Now that I’m here, your attention is not on me. You’re not like this before, Zi.” Pinilit ko ang sarili ko na hindi mapairap. Mahinhin siya pero minsan ay maarte.

Sorry ka, Alexis. Gray’s attention is on me.

“Hihintayin lang natin ‘yong sundo nila. Tapos aalis na tayo.”

“Okay!” Kahit hindi ko makita, sigurado akong nakangiti na ngayon si Alexis. “Punta tayo ng mall, Zi. Pasyal tayo.”

“Sure.”

Tss. Hindi ko na naiwasan at napairap na ako. Sana matagal pang dumating ang driver namin para hindi sila makapunta sa mall. Alam kong mali ang iniisip ko. Reunion nila ‘yang mag best friend kaya bakit ko naman pipigilan? Magsama sila!

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang sundo namin.

“Oh, nandito na ‘yong car nila!” Halata sa mukha ni Alexis na masaya siya na nandito na ang sundo namin ni Hilda. “Let’s go to the mall na, Zi!” Wala nang nagawa si Gray nang hilahin na siya ni Alexis papunta sa car park ng school.

“Dang it! My bag!” Pahabol kong sabi. Kinuha kasi ni Gray ang bag ko kanina at siya na raw ang magbibitbit. Hinayaan ko na dahil ayaw ko nang makipagtalo. Ang kaso nga lang, hinila na siya ng best friend niya.

“Sasabihan ko na lang si Gray, Zaya.” Ani Gino pagkalapit sa akin.

“Okay. Sabihin mo na huwag niyang papakialaman ang bag ko.” Huwag niya lang talagang susubukan. Naroon ang ilang sanitary pads ko. Kainis naman. Akala naman kasi ni Alexis ay aagawin ko sa kaniya si Gray.

“Bakit, anong meron sa bag mo? May mga sinulat ka bang love letters, huh?”

“Suntok… Gusto mo?” Nagsisimula na naman siyang mang-asar. Kahit si Ares na mdyo tahimik ay nadamay na rin sa kalokohan nito ni Gino at Jun.

“Ayaw.” Mabilis na tugon nito.

Habang nasa kotse ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko ito at agad nakita ang isang text message.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon