Chapter 34:
Late
Zaya's POV
Patuloy akong sinugod ni Betty. Hindi ko lang talaga gustong lumaban lalo na at nasa loob pa kami ng school.
"Don't tell me that you turned into a good girl already? If that's the case then I will turn you back into a monster!"
Parang natamaan ako sa sinabi ni Betty. Kasi alam kong totoo. Kapag uminit ang ulo ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mas lalo na kapag may naghahamon sakin. Hindi na gusto ng pagkatao ko na matakot. Lagi na akong lumalaban.
Or more like... Natatakot akong masaktan na naman ng iba kaya pinipilit kong tatagan ang loob ko.
Susuntukin niya sana ulit ako sa mukha pero nakaiwas ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay meron palang tao sa likod ko. Hinawakan nila ako para hindi ako makagalaw
"This is your turn, Runa." Anas ni Betty at tinulak pa paunahan si Runa na nakatingin lang sa akin. "Go and slap her."
Tinignan ko si Runa. Nakakuyom ang mga kamay niya. Ano ba kasi ang sinabi ni Betty para maging gano'n si Runa? Nagpahalik daw ako kay Ares? At ano? Nang-aagaw?
"I-I can't..." Si Runa at umatras ng kaunti.
"Paanong hindi mo kaya? Nagawa mo nga kanina eh! Gawin mo ulit ngayon. Kaya ka nauuto. Hindi ka ba nagagalit sa kaniya?"
"G-Galit..."
"Iyon naman pala eh! Ano pang hinihintay mo? Gusto mo pa ba ng demonstration? P'wes, ipapakita ko sayo." Lumapit sa akin si Betty at inambahan ako ng suntok pero bago niya pa man paliparin ang kamao niya sa akin ay nasipa ko na siya. Hindu niya siguro inasahan ang ginawa ko kaya nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. Ngumisi pa muna siya bago ayusin ang tindig. "Bitawan niyo na siya. Lalaban na 'yan si Zaya."
Katulad ng sinabi ni Betty ay binitawan na nga nila ako. Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa pagmumukha ng bitch na nasa harap ko.
I looked at her with my deadliest glare. Gusto niya yatang sumunod sa yapak ni Mitch. Sa tingin ko nga ay siya ang pinsan na tinutukoy bi Carter.
Susunod ka na sa ospital, Betty...
Hindi na ako nagdalawang-isip at sumugod na kay Betty. Naging mabilis ang paggalaw ko at nagawa ko siyang suntukin sa mukha niya. Ilang beses niya rin aking sinuntok kanina. Ako naman ngayon.
***
Runa's POV
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Brat
Teen FictionSi Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan niya ng problema kaya ang ending ay nakakagawa siya ng kung ano-ano. Suki na rin siya sa disciplinary...
