CHAPTER 44

1.2K 96 9
                                        

Chapter 44:
Steal


Zaya’s POV

Nagpatuloy ang masayang party ni Gino. Nasa pool na rin ang karamihan. Kahit si Carter ay naroon na rin at nagsasaya. Ako naman ay nakaupo lang sa gilid at nakalublob ang mga paa sa pool.

Ilang saglit lang ay halos mapasigaw ako dahil biglang may humawak sa magkabila kong paa.

“Ano ba?!” Nagbaba ako ng tingin para makita kung sino ang taong iyon at napairap na lang ako nang makita si Gray na tatawa-tawa pa. “Nang-iinis ka na naman.”

“Bakit kasi ayaw mo pang maglublob dito sa pool. Hindi naman masyadong malamig.”

“Sabihin mo muna kasi kung sino yung babae.”

“Bakit ba gustong-gusto mong malaman? Selos ka ba?” Umiwas ako ng tingin. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit gusto kong malaman.

I think it’s just curiosity…

“Hindi ah! Basta, gusto kong malaman.” Pagkatapos ay umahon siya sa tubig at umupo sa tabi ko. Sinuklay niya pa ang basang buhok niya kung kaya ay may tumulong tubig mula rito.

“Best friends na tayo kapag nagkwento ako tungkol doon. Pero hindi ko sasabihin ang pangalan.” Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Okay, best friends.”

Parang ang bilis lang ng panahon. Naging magkaibigan kami ni Gray. Tapos ay naging best friends na.

“So, there’s this girl that I like. Ang kaso, may boyfriend na siya.” Panimula nito. Patuloy naman akong nakinig sa kaniya. “Noon, gusto ko lang talaga siya pag-tripan. Naiinis pa nga siya sakin. Pero nang tumagal, nagkagusto na ako sa kaniya.”

“Dapat kasi nag-confess ka na agad. Baka wala pa siyang boyfriend noon. Pero dahil ang bagal mo, naunahan ka.” Komento ko. Ngayon ay mas naging kuryoso ako sa problema ni Gray.

“Sa pagkakaalam ko ay matagal na sila. Useless din kung mag-confess ako.” Napabuntong-hininga na lang ako. Natahimik ako saglit at nag-isip ng pwedeng gawin ni Gray.

“Why don’t you steal her?” Natanong ko. Alam kong masama dahil pwedeng makasira ng relasyon pero suggestion ko lang naman. Napangisi naman si Gray at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

It’s better to lose fighting than lose without doing anything…

Steal her? Are you serious?”

“Yeah? Do you even know the saying that the end justifies the means?” Masama na kung masama. Well, I don’t really care about the process. Para saan pa at naging brat ako? Kilala na akong masama sa mga dati kong school. Wala rin namang magbabago.

“Of course, I know that. You’re really are a brat.” I just smiled. “I love her so much and as much as possible, I want to avoid things that will hurt her. Mukha naman kasing mahal niya talaga ang boyfriend niya.”

“Bakit hindi mo subukan ang sinabi ko? Depende na lang ‘yon sa babae kung magpapaagaw siya o hindi.” Katwiran ko.

Kung mahal niya talaga ang boyfriend niya, hindi siya maaapektuhan sa presensiya ni Gray at sa mga gagawin nito. Iiwas at iiwas siya kung wala siyang gusto kay Gray. Kasi nga, may boyfriend na siya.

Napaisip si Gray sa sinabi ko dahil nakita ko ang mababagal niyang pagtango.

“Tama ka, Zaya. Fine, I’ll steal her.”

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon