CHAPTER 28

1.4K 102 19
                                    

Chapter 28:
Calm Down

Zaya's POV

It's already been two weeks when me and Gray became friends. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag akong makipagkaibigan sa kaniya. Pero ayos na rin kahit noong una ay medyo nakakailang. Alam niyo 'yon? Bigla niya na lang akong kakausapin kahit wala namang kwenta ang sasabihin niya.

"Zaya, punta tayo mamaya sa restaurant. Gamitin na natin yung dining voucher." Kanina pa rin siya sa pangungulit sa akin. At dahil maikli ang pasensiya ko...

"Fine."

"Yes!" Aniya habang nakangiti pa. Napailing na lang ako. Minsan talaga ay napapansin kong may pagka-isip bata rin si Gray.

"Oy, sama kami!" Anas ni Gino habang papalapit sa amin. Narinig niya siguro yung pinag-uusapan namin ni Gray.

"Hindi pwede." Tugon naman ni Gray.

"Ayaw niyo lang ng istorbo eh. Magde-date din kami ni Hilda." Sabay akbay ni Gino kay Hilda. I really sense something between them. Namula naman ang pisngi ni Hilda dahil sa ginawa ni Gino.

"Eh di mag-date kayo! Wag niyo kaming susundan." Sabi pa niya na may halong pagbabanta.

"Class, take your seats, please." Nagsibalikan naman ang lahat sa kani-kaniyang upuan. Nang matapos ang klase ay nagsalita si Ms. Roble. "Reminder lang, class. Next week na ang exams niyo. Review our lessons."

Exam na pala. I need to do well.

"Zaya, susunduin kita sa bahay niyo mamaya." Anas ni Gray. Ang alam niyang bahay namin ay kila Carter. At nakauwi na ako sa totoong bahay namin kung nasaan si Daddy.

"I'm not sure if I can go." Nasabi ko. Umuuwi na si Daddy ng maaga para masigurong hindi ako pupunta kung saan-saan. It's not good if he saw Gray.

"What?"

"Just give those vouchers to Gino and Hilda. I don't mind if you do." Bawal akong sunduin ni Gray dahil baka pagkamalan siya na boyfriend ko.

"No. Pumayag kang sumama sakin. Wala nang bawian." Kunot ang noo niya at salubong rin ang mga kilay. Parang noon lang nang una kaming magkita.

At kung sunduin man nga ako ni Gray, siguradong hindi ako papayagang lumabas. I sighed. Bawal talaga.

"Zaya..."

But I think there's a way. It's either I run away or...

"Zaya, nakikinig ka ba?" Si Gray na makikitang iritado na.

"Let's talk later. Hilda!" Iniwan ko si Gray at nagmamadaling pumunta kay Hilda.

"Bakit?"

"Magde-date ba kayo ni Gino?" Napayuko si Hilda sa tanong ko. "Sagot!"

"H-Hindi naman ako sasama. May trabaho pa ako." Napaisip ako.

That Nerd Is A BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon