Nayeon's Pov:
Nang tumunog na ang bell, nagsimula nang magsilabasan ang mga estudyante para magrecess.
"Kain na rin tayo, Guys." Yakag ni Momo samin.
"Oo nga. Maawa naman tayo kay Momo. Nagugutom na ang buwaya sa tiyan nito." Sabi naman ni Mina.
"Mauna na kayo. Dito na muna ko." Sagot ko kaya napatingin sila sakin.
"Sigurado ka? Hindi ka nagugutom?" Tanong ni Sana.
"Wala akong gana."
"Si--Sige. Ikaw ang bahala. Basta alam mo na kung saan kami matatagpuan. Sa tambayan natin sa likod ng school." Sabi nila sabay labas na ng classroom.
Sa katunayan, may tambayan kami sa likod ng school. Mahangin. Malamig. Payapa. 1st year palang dun na kami natambay. Kaso, wala ako sa mood para lumabas ngayon ng classroom.
Gusto ko munang mapag-isa. Alam ko rin naman na bubulabugin rin naman ako ng mga estudyanteng nangungulit sakin.
Mag-isa akong naiwan sa classroom. Nagearphone na lang ako't nakinig ng music. Bakit ba kailangang maging ganito ang buhay ko?
Sa kalagitnaan ng pakikinig ko ng music, biglang may sumulpot sa harapan ko. Muntik na kong mapasigaw dahil sa gulat.
Nang makita ko kung sino siya, napakunot-noo na lang ako. Ah. Yung makulit pala naming bagong classmate. Ginagawa niya dito?!
Nagsasalita siya pero hindi ko masyadong marinig o maintindihan dahil nakaearphone ako't nakikinig ng music.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pakikinig ng music, nagulat na lang ako nang tanggalin niya sa tenga ko ang earphone.
"How dare you?" Asar kong tanong.
"Hello, My name is Kim Dahyun." Sambit niya sabay alok ng shake hands.
"Whatever." Sagot ko sabay tanggi sa shake hands niya.
"O--Okay. Kung ayaw mo makipagshake hands, sige. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan na ang mga kaibigan mo?" Naupo siya sa armchair sa tabi ko.
"Pakialam mo?"
"Nagtataka lang naman ako. Mag-isa ka lang kasi dito."
"Masama bang mag-isa? Mag-isa ka rin naman." Seryosong sagot ko na lang.
"Kasama ko yung friends ko sa canteen. Nauna lang akong bumalik dito kasi kakain pa daw sila. Matatakaw talaga ang mga kaibigan kong 'yun. Matatakaw rin ba ang mga kaibigan mo? Hindi ka ba nagugutom? Kumain ka na? Gusto mo ibili kita ng pagkain sa canteen? Kung tinatamad ka, ako nang bibili at pipila don." Tuloy-tuloy niyang sabi kaya mas napakunot-noo ako.
"Ayoko."
"Ayos lang sakin. Sige na. Baka nagugutom ka na. Masama magpalipas ng gutom sabi ng nanay ko sakin."
"Pakialam ko sa nanay mo?" Ang daldal naman ng isang 'to. Nakakairita. Feeling close eh.
"Mabait ang nanay ko. The best siya! Karinderya ang business ng nanay ko. Maagang nawala ang tatay ko. Kaisa-isang anak lang ako. Nagtransfer ako dito kasi mas malapit sa bahay namin. Isa pa, dito kasi nagaaral sila Chaeyoung at Tzuyu." Patuloy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/157128011-288-k37897.jpg)
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019