2: Troublemaker

1K 41 1
                                    

Nayeon's Pov:

Maaga akong gumising para pumasok sa school. First day namin ngayon. Hindi ako maagang kumilos dahil excited akong mag-aral kundi excited akong makalayo muna sa bahay naming gulong-gulo na dahil sa araw-araw na pag-aaway ng parents ko.

Pababa palang ako ng hagdan, rinig na rinig ko na ang pagtatalo nila. Halos lahat na ata ng bagay pinagtatalunan nila. Mas mabuti pang sa school na lang muna ko tumambay kaysa sa bahay na 'to.

Nang makababa ako, lalabas na sana ako para umalis pero tinawag ako ni Dad kaya napahinto ako. Tsk. Konting lakad na lang eh makakaalis na ko.

"Ano po yun?" Seryosong tanong ko.

"Saan ka na naman nanggaling kagabi? Madaling araw ka na naman umuwi. Ano? Naglakwatsya ka na naman sa kung saan-saan kasama yang mga kaibigan mo? Wala ka na bang gagawing tama?" Sabi ni Dad sakin.

Gumimik lang naman ako sa Bar kagabi kasama ng mga kaibigan ko. Anong magagawa ko? Mas mapayapa don kaysa dito sa bahay. 3am na kami nakauwi.

"Hindi mo kasi dinidisiplina ang anak mo nang maayos!" Sabi naman ni Mom kay Dad.

"Ako pa ngayon? Kung ikaw 'tong kumakausap sa anak mong walang ginawang tama! Alam mong busy ako sa pagmamanage ng chocolate factory natin. Ako parin?!" Sagot ni Dad kay Mom.

"Alam mong busy rin ako sa pagmamanage ng flower shop natin. Ikaw 'tong hindi marunong dumisiplina sa anak mo!" Sagot naman ni Mom.

"Ako pa talaga? Ginagawa ko naman lahat para sa pamilyang 'to! Kasalanan ko padin?!"

"Kung sineseryoso mo ang pagmamanage ng family business natin, hindi yung makikipaglandian ka sa ibang babae. Hindi ka na nagbago!"

"Hindi ako nambababae. Para sabihin ko sayo, ginagawa ko nang lahat. Bakit hindi mo maunawaan 'yun?!" Sigaw ni Dad.

Nakatayo lang ako sa harapan nila habang pinagmamasdan silang magsigawan at magtalo sa maraming bagay. Nagdesisyon na lang akong lumakad na paalis dahil alam kong wala namang mangyayari. Hindi rin sila hihinto kahit sabihin kong tama na.

Nasanay na siguro ko sa pagaaway nila araw-araw. Ano pa bang magagawa ko? Totoo naman ang sinasabi ni Mom. Nambababae talaga si Dad. Minsan ko na siyang nahuli pero ni isang beses, hindi ko siya isinumbong kay Mom dahil alam kong masasaktan ito at mas mag-aaway lang sila. Pero dumating sa point na nahuli na rin siya ni Mom.

Hindi ko alam kung anong problema nilang dalawa sa buhay nila. Ginagawa ko naman ang lahat noon para maging proud sila pero walang nangyari. Hindi enough para kay Mom 'yung effort ko sa pag-aaral. Hindi rin enough yung pagpigil ko kay Dad sa kalokohan niya.

Kaya heto, hindi ko na pinipilit ang sarili kong maging best sa paningin nila. Wala na kong gana pang mageffort para sa mga bagay na hindi rin naman maaappreciate ng ibang tao.

Sumakay na ko sa motorcyle ko't nagsuot na ng helmet. Bumiyahe na ko papuntang school. Nang dumating ako, pinalibutan na naman ako ng mga estudyanteng nagpapapansin sakin. Wala naman akong interes na makipagusap sa kanila. Hindi dapat binibigyan ng atensyon ang mga tulad nila.

Pare-pareho lang silang lahat. Kinakaibigan lang nila ko dahil sa kasikatan ko. May kailangan lang sila sakin. Kapag nakuha na nila 'yun, sisimulan na rin nila akong pabagsakin. Wala akong panahon para sa mga walang kwentang tao.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon