39: Foods

444 22 1
                                    

Momo's Pov:

"Momo, Come in." Anyaya ni Tzuyu sakin para pumasok sa loob ng apartment niya.

"Nakakahiya naman. Pangalawang beses ko na 'tong bisita sa apartment mo." Sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Nahihiya ka pala noh? Akala ko pa naman walang hiya ka." Rinig kong sabi niya kaya napakunot-noo agad ako sa kanya.

"Biro lang hahaha." Bigla niya kong tinawanan.

"Nako! Pasalamat ka malakas ka sakin kaya papalampasin ko 'yun. Pero bwisit ka parin kasi ikaw naman nagyaya sakin dito." Sagot ko sa kanya kaya mas napatawa siya.

"Okay! Okay! Okay! Sorry na haha. Ansaya mo lang kasing asarin."

"Kung ikasasaya mo ang pangaasar sakin, sige lang. Kahit ilang beses. Kahit anong oras. Kahit kailan. Para sa kasiyahan mo."

"Dumali ka na naman sa mga pinagsasabi mo." Hinampas niya ko nang slight sa balikat kaya medyo natawa na lang ako.

Naupo na muna ko sa sofa habang abala siya sa paghahanda ng makakain namin. Habang abala siya sa pagaasikaso sa pagkain, hindi ko maiwasang mapaisip.

Ngayon lang ako nakakilala ng katulad niya na maalaga, mapagmahal, mabait at masarap magluto ng pagkain. Walang-wala sa kanya yung mga babaeng nameet ko sa bar na walang alam kundi magpaganda.

"Hey! Is there any problem?" Natauhan ako dahil sa tanong ni Tzuyu.

"Huh? Ah. Wala naman."

"Siguro gutom ka na noh. Don't worry, mabilis lang 'to."

"No. It's okay. Take your time." Tumayo na ko't lumapit sa kanya.

"Why?"

"Tulungan na kita."

"Kaya ko na 'to, Momo."

"No. I'll help you."

"Si--Sige. Ikaw ang bahala." Tumabi na ko sa kanya para tumulong. Kinuha ko na yung egg para basagin ito kaso nang mabasag na, bumagsak naman 'yun sa table kaya nagkatinginan kami ni Tzuyu.

Pareho kaming natawa sa nangyari. Jusko! Hindi nga pala ako magaling magluto. Haha.

"Alam mo, mas mabuti pa magpahinga ka na muna doon sa sofa hahaha." Tumatawang sabi ni Tzuyu sakin.

"Pasensya na. Haha. Gusto ko lang naman tumulong. Mas lalala pa yata pag tumulong ako." Napakamot-ulo ako.

"Practice lang nang practice, Momo. Kaya mo 'yan. Naniniwala akong magiging magaling ka rin sa pagluluto." Ngumiti siya sakin.

"Bakit ang bait mo sakin?"

"Huh?"

"Bakit mabait ka sakin kahit alam mong troublemaker ako? Kahit na alam mong ako yung tipong tumatambay sa bar para maghanap ng magagandang babae." Ilang segundo rin siyang natigilan sa tanong ko.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo naman. Hindi ko naman kasi deserve yung kindness mo. Hindi mo naman kailangang magprepare ng masasarap na pagkain para sakin."

"Kasi hindi ka naman talaga troublemaker. Wala akong pakialam kung tumatambay ka sa bar para sa magagandang babae. It doesn't mean na masama kang tao. Isa pa, deserve mong maalagaan. Deserve mong mahalin. Deserve mong makaranas ng magagandang bagay dahil kamahal-mahal ka." Napalingon ako sa kanya na nakatingin sakin nang paseryoso.

Nagtagpo ang mga mata namin. Sa mabilis na segundo, naramdaman ko yung mas pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon, nasa harapan ko ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Magagandang mata. Mapulang labi. Mala porselanang kutis. Mga salitang nakaantig sa aking puso. Chou Tzuyu, Ibang-iba ka talaga.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para mas lumapit pa sa kanya. Unti-unting naglalapit ang labi naming dalawa.

Nang tuluyan nang magdikit ang aming labi, parang sasabog ang puso ko sa nararamdaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Chou Tzuyu, I think you're the one.

Napaagwat lang kami sa isa't-isa nang biglang tumunog ang phone niya.

"Ah. May nagtext sakin." Sabi ni Tzuyu sabay check na sa phone niya.

Nanatili lang ako sa isang tabi habang abala siya sa phone niya. Wait, Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na yata ako. I can't believe na nagkiss kami.

"Momo, Pupunta daw sila Mina at Chaeyoung dito."

"Talaga?"

"Yes. Makikifoodtrip daw sila." Wrong timing yata yung mga 'yun. Aish. Bahala na nga. Bakit ngayon pa?

"Pa---Paano? Ituloy ko na 'tong pagaayos sa pagkain." Sabi niya na para bang walang nangyari.

"Si--Sige. Doon muna ko sa sofa." Naupo na kong muli sa sofa habang abala na ulit siya sa pagaayos ng foods. Ang weird ah. Parang walang nangyari.  Nang magkatinginan kami, ngumiti lang siya sakin kaya nginitian ko na lang din siya.

❤To be Continued❤

A/N: May exam ako bukas hanggang thursday. Wish me luck. Haha. Sana nagustuhan niyo kahit short update lang 'to. Para sa MoTzu shippers 'to. Fighting!

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon