Nayeon's Pov:Bakit nga ba hindi ko siya nagawang habulin? Bakidi ko nagawang ipaglaban yung pagmamahal ko sa kanya? Bakit hinayaang kong masaktan siya? Bakit hindi ko siya pinatahan?
Nagsimula nang bumuhos ang ulan. Nanatili lang akong nakapwesto kung saan huli akong iniwanan ni Dahyun. Hawak-hawak ko yung sandals at bracelet niya. Tapos na ba talaga? Wala nang kami?
"Nayeon! Kanina pa kita hinahanap." Napalingon ako kay Jeongyeon na halatang nakainom na.
"Bakit ginawa mo 'yun?!" Inis na tanong ko sa kanya dahil sa ginawa niyang paghalik sakin kanina.
"Di pa ba obvious? Gusto kita. Gustong-gusto."
"Alam mong magkaibigan lang tayo. Dahil sa ginawa mo, iniwanan na ko ni Dahyun."
"Kahit naman 'di ko gawin 'yun, i--iiwanan ka parin niya."
"Hindi. Akala niya niloko ko siya. Akala niya pinagtaksilan ko siya. Wala akong ginawang masama. Iniwanan na niya ko nang dahil sa ginawa mo."
"Bakit ba inaalala mo pa 'yun? Ang mahalaga wala na siya sa buhay natin. Pwede nang maging tayo." Akma sana siyang lalapit sakin kaya naman umiwas ako.
"Hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo, Jeongyeon. I'm sorry."
"Im Nayeon, nakita mo ba si Sana?" Sumulpot sila Momo.
"Si--Sinundan si Dahyun."
"H--Huh?" Confused na tanong nila.
"Break na sila. Haha." Sabi ni Jeongyeon kaya nagulat sila Mina.
"What the hell? Anong nangyari?" Tanong ni Chaeyoung.
"Anong ginawa mo kay Dahyun?!" Inis na tanong sakin ni Tzuyu.
"Naabutan niya kaming naghahalikan ni Nayeon. Haha." Sambit ni Jeongyeon kaya mas nainis sila.
"Mga gague pala kayo eh!" Inis na sabi ni Chaeyoung samin.
"Hindi niyo alam ang buong kwento. Huwag kayong makialam dito. Let's go, Jeongyeon. Ihahatid na kita sa bahay niyo." Hinila ko na si Jeongyeon paalis.
"Si Jeongyeon parin ang inaalala mo kahit na alam mong break na kayo ni Dahyun?" Nakakunot-noong tanong ni Mina.
Hindi na lang ako umimik. Pinasakay ko na si Jeongyeon sa kotse ko. Naiinis ako sa kanya pero alam kong dapat ring may maghatid sa kanya pauwi dahil delikadong bumiyahe mag-isa lalo pa't lasing siya.
"Saan ka ba nakatira?"
"Hindi ko alam. Haha. Dun na lang ako sa bahay niyo." Sagot niya sabay tawa pa.
"Wala ko sa mood makipaglokohan, Jeongyeon. Sabihin mo na kung saan ka nakatira."
"Ayoko."
"Bwisit!" Kinuha ko yung wallet niya kung saan nakita ko yung I.D niya. Alam ko na kung saan siya nakatira. Agad na kong bumiyahe papunta sa kanila habang halos mawalan siya ng malay sa passenger seat.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019