Dahyun's Pov:
Nang magstart na ang first subject ngayong araw, nagsitahimikan na ang lahat.
Napalingon ako kay Nayeon na seryoso lang na nakaupo sa pwesto niya. Masaya akong tinanggap niya yung tinapay na inalok ko kanina.
"Hoy Dahyun, Nakikinig ka ba sa inituturo ni Ma'am?" Bulong ni Tzuyu sakin.
"Huh? Ah. Oo naman."
"Sige nga. Anong topic natin ngayon?" Pabulong naman na tanong ni Chaeyoung kaya napakamot-ulo ako.
"Tsk. Hindi ka nakikinig. Makinig ka!" Sabi naman ni Tzuyu kaya naman napatango na lang ako sa kanila't sinubukang magfocus sa sinasabi ng teacher namin.
Habang nakikinig sa inituturo samin, hindi ko maiwasang mapalingon kay Nayeon. Balang araw, magiging kaibigan ko rin siya at ang mga kaibigan niya.
Kung ano man 'yang dahilan ng malungkot niyang mga mata, sana mawala na.
Lumipas ang ilang oras na pakikinig sa teacher, tumunog na ang bell para sa recess. Nagsikilusan na ang mga estudyante para kumain.
"Let's Go, Nayeon." Yakag nila Mina kay Nayeon pero hindi parin ito kumikilos.
"Kayo na lang muna. Wala akong gana kumain eh." Sagot nito sa kanila.
"Magpapaiwan ka na naman ba dito mag-isa?" Tanong ko kay Nayeon na hindi parin tumatayo. Napalingon naman sakin sila Sana.
"Nayeon, Sige na. Kumain ka na kahit konti lang. Tara na." Sabi naman ni Momo.
"Hayaan na muna natin siya. Sige na." Sabi ni Sana kila Momo.
"Si--Sige. Basta alam mo naman kung saan kami pupuntahan kapag nagbago ang isip mo." Bilin ni Mina kaya tumango na lang si Nayeon sa kanila.
Nang makaalis na sila Sana, naisipan kong lapitan si Nayeon pero pinigilan ako nila Tzuyu.
"Nababaliw ka na ba? Baka mapa-trouble ka pa sa pambubulabog mo sa isang 'yan." Sabi ni Chaeyoung.
"Guys naman, hindi naman masamang tao si Nayeon eh."
"Trip talaga ni Nayeon na palaging mag-isa. Napapatrouble ang kung sino mang magpumilit na manggulo sa pagmumuni-muni niya." Sabi naman ni Tzuyu.
"Tsk. Sige na. Mauna na kayo sa canteen. Susunod ako." Sagot ko sa kanila kaya wala na silang nagawa. Lumabas na ng classroom sina Chaeyoung at Tzuyu kaya naman lumapit na ko kay Nayeon.
"Hello, Nayeon." Bati ko sa kanya.
"Ikaw na naman?!"
"Yes. It's me, again." Naupo ako sa armchair na nasa harapan niya.
"Lubayan mo na nga ko."
"Hinahayaan mo na naman ang negative thoughts na pumasok sa isipan mo. Mas maganda kung ikakain mo na lang 'yan."
"Pakialam mo?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Kumain ka na. Malamang gutom ka na."
"Just leave me alone."

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019