Dahyun's Pov:
Hindi ko inaasahang bibisita sa karinderya namin si Nayeon kahapon. Dalawang araw ko na siyang nakakasama maghapon. And I can say na marunong pala talaga siyang tumawa at magbiro.
Nagkakasundo talaga sila ng mama jihyo ko. Ewan ko ba, inaasar ako nung dalawa eh. Sila pa talaga ang nagkampe sa tuwing aasarin ako tungkol sa kung ano-ano.
Aminado rin naman akong natutuwa ako sa friendship at bond na meron kami ni Nayeon ngayon. Nagtatalo parin naman kami pero hindi na tulad ng dati na halos itulak niya ko palayo dahil naiirita siya sakin.
Kararating ko lang ngayon sa school. Hindi ko alam kung bakit parang pinagmamasdan ako ng ibang estudyante sa tuwing madadaanan ko sila. Pakiramdam ko nga pinaguusapan nila ko eh. Pero bahala na, baka inaantok pa ko kaya nagiisip ako nang ganito.
Sa paglalakad ko sa hallway papunta sa classroom, bigla na lang may mga humarang na babaeng estudyante sa harapan ko.
Namumukaan ko ang ilan sa kanila. Grabe, akala ko nilubayan na nila ko. Hindi parin pala. Sila yung mga estudyanteng nagtulungan para pagtripan ako.
Nakakatuwa yung teamwork nila, diba? Teamwork para pagtripan ako. Tsk. Di ko parin alam ang reason kung bakit ginawa nila sakin 'yon.
Nang magtagpo ang mata namin nang isa sa kanila na maiksi ang buhok na hindi naman kasama sa mga nantrip sakin noon, umiwas na lang ako nang tingin sabay lakad sa gilid nila para umalis.
"Wait." Rinig kong sabi ng babaeng maiksi ang buhok kaya natigilan ako sa paglalakad.
"What's Up? Namiss mo ba kami?" Tanong naman ng isa sa nantrip sakin.
"Ayoko ng gulo. Please, Lubayan niyo ko." Sagot ko na lang bago tumuloy sa paglalakad kaso hinawakan ako ng isa sa kanila sa braso para hilahin pabalik.
Muntikan na kong matumba dahil sa lakas nang pagkakahila sakin.
"Kailan pa kayo naging close ni Nayeon?" Seryosong tanong nung maiksi ang buhok.
"Huh? What are you talking about?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan. Ang daming nakakita ng post mo sa facebook. Ibinigay ba talaga sayo ni Nayeon ang mga regalong 'yon o pinalabas mo lang na galing sa kanya para sumikat ka?" Mataray na pagkakasabi niya.
"Magkaibigan kami ni Nayeon. Yes, binigay niya sakin 'yun. Isa pa, hindi po ko pabida sa fb. Sadyang gusto ko lang talagang i-upload 'yun. Mauna na po ko."
"Stupid B*tch!" Sagot niya sakin kaya napakunot na lang ako nang noo.
"Bakit po ba? May problema po ba kayo sakin? Ayoko po ng gulo. Pasensya na."
"Of course, there's a problem 'cause you're a stupid fvcking b*tch!" Nagsisimula na siyang mas magtaray sakin. Ano ba talagang problema nila sakin? At bakit tinatanong nila ang tungkol samin ni Nayeon?
"Siguro ang saya mo kasi nauuto mo pareho sila Sana at Nayeon!"
"Malandi!"
"Magkaibigan pa talaga 'yung tinatarget mo. Iba ka!"
"Kunwari anghel, yun pala tirador ng mga sikat at mayayaman!"
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Hayran Kurgu"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019