41: Special

497 33 6
                                        

Dahyun's Pov:

"Dubu, Nandito na si Sana." Rinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Nagmadali na kong lumabas para harapin si Sana.

Ngayong araw kasi niya ko niyaya. Nangako akong sasama ko sa kanya next time dahil hindi ako nakasama sa kanya noon. Ito na ang araw na 'yun.

"Dahyun, you look great." Nakangiting sabi niya sakin.

"Great?" Ano namang kagreat-great sakin? Napakasimple lang ng suot ko.

"Yes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yes. You're beautiful." Sagot niya sakin kaya hindi ko maiwasang mamula. Binobola ata ako ni Sana.

"Binibiro mo na naman ako."

"Totoo kaya ang sinasabi ko. Wait! Flowers for you." Nagulat ako nang bigyan niya ko ng bouquet ng bulaklak.

"Pa--Para saan 'to?" Bakit kailangan pa ng flowers? Nakakahiya naman kay Sana. Nag-abala pa siya.

"A beautiful flower for a beautiful lady like you." Sagot niya kaya mas namula ako.

"You and you're flowery words. Thank you so much, Sana." Napangiti na lang siya sakin.

"Mabuti pa. Umalis na kayo. Enjoy your date." Sabi ni Mama Jihyo samin sabay kuha na sa flowers para ilagay sa kwarto ko.

"Hindi po kami magde-date. Mama naman." Mabilis na sagot ko kay Mama.

"Huwag po kayong mag-alala. Ihahatid ko rin po si Dahyun pauwi." Sambit ni Sana kay Mama bago kami tuluyang lumabas.

"Pagpasensyahan mo na si mama ah. Madaldal 'yon eh. Ang lakas pa ng boses. Daig pa naka-mic."

"It's okay. Nakakatuwa nga ang mama mo eh. Supportive." Masayang sagot niya sakin.

"Saan nga pala tayo pupunta?"

"Secret." Pinagbuksan na niya ko ng pinto ng kotse niya kaya naman sumakay na ko.

"Andaya naman. Sabihin mo na. Please, nakucurious tuloy ako."

"Dadalhin kita sa lugar na alam kong magugustuhan mo."

"Naeexcite na tuloy ako haha."

"Pinaghandaan ko 'yun para sayo." Dagdag niya kaya mas naexcite ako. Ano kaya yun?

Habang nasa biyahe, pareho kaming tahimik. Abala ako sa pagtanaw sa magandang mga view na nadadaanan namin.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon