Dahyun's Pov:
Kahapon ko lang 'di gaanong nakasama si Nayeon pero pakiramdam ko miss na miss ko na siya.
Kaya nga nagmadali talaga akong pumasok sa school ngayong araw. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Pagdating ko sa gate ng school, hindi ko siya makita. Late kaya siya?
Pumuwesto na muna ko sa isang tabi sa may gate ng school para i-text siya kaso hindi siya nagrereply eh. Sinubukan ko na rin siyang tawagan. Hindi rin siya sumasagot.
Baka late lang siya o baka naman nasa biyahe na papunta dito sa school kaya naman minabuti kong magstay sa may gate para in case na dumating na siya, makikita ko agad siya.
"Himala. Hindi tumatambay dito si Nayeon." Nagulat ako kay Mang Jinyoung na nagaayos ng mga basura sa gilid ng gate.
"Po?"
"Palaging nakatambay yun dito sa gate para hintayin ka. Himala. Hindi siya tumatambay dito ngayon."
"Baka po late lang."
"Mabuti't nagkasundo kayo ng batang 'yun. Napakapasaway nun eh."
"Mabait naman po siya. Masaya po siyang kasama. Palagi niya po kong napapasaya."
"Sige na. Mga kabataan nga naman." Dagdag ni Mang Jinyoung sabay lakad na paalis. Naghintay pa ko ng ilang minuto pero wala paring Nayeon na dumadating. Nasaan na kaya siya? Ano na kayang nangyari sa kanya?
"Dahyun." Napalingon ako sa kung sinong tumawag sakin.
"Sa--Sana. Ikaw pala."
"Kanina ka pa ba diyan?"
"Oo. Hinihintay ko si Nayeon eh."
"Kaya pala ang tagal mong dumating sa classroom. Kanina pa kami naghihintay sayo sa classroom." Sagot niya sakin.
"Nasa classroom na ba si Nayeon?"
"Wala pa nga eh. Baka late 'yun o absent. Magta-time na. Hindi ka pa ba pupunta sa classroom?"
"Konting hintay pa. Baka dumating na rin 'yun."
"Sige. Sasamahan na muna kitang maghintay dito." Pumuwesto na siya sa tabi ko.
"Hala. Hindi na, Sana. Sige na. Bumalik ka na sa classroom. Ano bang ginagawa mo dito?"
"Pumunta ko dito sa gate para alamin kung dumating ka na. Tama nga ang hinala ko. Nandito ka nga. Sasamahan na kita. Wala kang magagawa." Sagot niya kaya napakamot-ulo na lang ako.
"Ang kulit mo talaga, Sana."
"Gusto ko lang naman na may kasama ka dito. Pagpasensyahan mo na 'yung si Nayeon. Kung minsan, mabagal talagang kumilos 'yun eh."
"Tama ka. Nagiging mabagal nga siyang kumilos nitong mga nakaraang araw."
"So, ano nang balita sa kanya kahapon?"
"Ayun. Sinabi niyang hindi na niya ko nasundo kasi nagkasiyahan pa sa birthday party ng classmate ni Jeongyeon." Paliwanag ko kay Sana.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
