Nayeon's Pov:
Nakahiga ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Dad.
On The Phone:
"Hi, Dad."
"How are you, Nayeon?"
"Heto. Nag-aalala parin po."
"Bakit naman?"
"Sa palagay ko, hindi na ulit magiging kami ni Dahyun."
"Bakit naman?"
"Ayoko na pong dagdagan yung nararamdaman niyang pain dahil sa mga nagawa ko noon. Pakiramdam ko sa tuwing nakikita niya ko, naipapaalala ko sa kanya kung gaano ko siya nasaktan noon. Ang tanga ko lang kasi, Dad."
"Mas tanga ako, Anak."
"Po?"
"Yung sakin, nagloko talaga ako. Yung sayo, diba nabanggit mong hindi mo naman ginusto yun. Hindi mo rin inasahan na mangyayari 'yon. Naloko ka lang din. Hindi ka naging manloloko na katulad ko."
"Pero may kasalanan parin po ako. Kung naging maingat lang sana ako. Kung hindi ko lang sana hinayaang makaisip ng paraan si Jeongyeon para sirain kami."
"Anak, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Naniniwala akong magkakaayos rin kayo ni Dahyun. Palalagpasin mo pa ba ang chance na 'to?"
"Pero kasi----"
"Kasi ano?"
"Kasi ayoko namang ipilit yung sarili ko kung ayaw na talaga niya. Kasakiman 'yun. Ayoko nanh abusuhin yung nararamdaman niya."
"Bakit hindi mo siya subukang kausapin? Sabihin mo sa kanya yung totoo."
"Alin po?"
"Yung katotohanang biktima ka lang din talaga ng kalokohan ni Jeongyeon. Hindi mo pa naman naii-explain sa kanya na ikinagulat mo rin yung ginawa ni Jeongyeon. Baka sa paraang 'yun, maliwanagan siya."
"Kahit saang anggulo ko titingnan, nasaktan ko parin siya.".
"Iba yung nasaktan sa sinaktan."
"Da--Dad."
"Nayeon, kaya mo 'yan."
"Siguro po, rerespetuhin ko na lang yung magiginh desisyon ni Dahyun. Kung ayaw na niya, pakakawalan ko na siya."
"Sige na, Anak. Tinatawag na ko ng Mom mo. Ingat kayo diyan."
"Sige po. Ingat rin po kayo ni Mom."
End Call
Napahinga na lang ako nang malalim. Akma na sana akong matutulog kaso biglang may nagsalita.
Nagulat ako kay Sana na nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto.
"Sa---Sana."
"Bakit 'di mo sabihin sa kanya yung buong katotohanan?" Tanong niya sakin.
"Masasaktan ko lang ulit siya."
"Alam nating masasaktan nga siya pero wala namang ibang paraan eh. Nasaktan na siya. Hindi ganon kahina si Dahyun. Siya yung tipo ng nasasaktan na, lumalaban pa. Nayeon, ngayon ka pa ba aatras? Ngayong hinayaan ko na siyang maging masaya?"
"What do you mean?"
"She loves you, Nayeon."
"H--Huh?"
"Ikaw talaga yung mahal niya, hanggang ngayon."
"Ta--Talaga?"
"Huwag mong sayangin ang pagkakataong 'to, Nayeon. Huwag mong uulitin yung mga nagawa mo noon kundi hindi na talaga ako magdadalawang-isip na angkinin siya."
"Hi--Hindi na mauulit ang nakaraan. Pangako."
"Huwag ka sakin mangako. Sa kanya."
"Ta--Tama. Sana, paano kita mapapasalamatan sa lahat ng nagawa mo para samin?"
"Simple lang. Mangako kang hinding-hindi mo na siya papaiyakin. Mangako kang aalagaan mo siya. Mangako kang papasayahin mo siya."
"Pangako, Sana."
"Alam kong sayo siya pinakamasaya. Sino ba naman ako para kumontra? Im Nayeon, stop doubting. She's yours. Matutulog na ko." Sambit niya sabay pwesto sa kama niya.
Napaisip na lang ako. Ano bang dapat kong gawin? Hindi pwedeng tumunganga na lang ako. Do something, Im Nayeon.
Nakuha ng bracelet na suot ko yung atensyon ko. Nakatago parin sakin yung sa kanya. Nakatago parin sakin yung stuffed toy niya. Nakatago parin sakin yung sandals na ibinato niya sakin noon.
Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon. Yung gabing nagpakatanga ako. Hindi ko dapat siya hinayaang makalayo noon. Hindi ko dapat siya hinayaang masaktan.
"Kim Dahyun, I'll do everyhing for you." Nasabi ko na lang bago tuluyang ipikit ang mata ko.
❤To Be Continued❤
A/N: Fighting, Guys. Huwag nang malungkot, SaiDa shippers. May mga saida oneshots ako dito. Abangan niyo na lang hahahaha.
Mag-hi na lang kayo sa dog kong si Momo. Sinira niya yung TWICE at Red Velvet posters ko nung isang linggo. Di naman masakit 😢💔
Ginawan ko na lang ng paraan yung posters. Ginupit ko na lang yung hindi na-damaga na part. Idinikit ko padin sa pader. Hahaha. 💕🐶
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019