23: It's Okay

568 32 5
                                        

Nayeon's Pov:

Nakakaloko yung questions nila Sana kanina. As if namang magustuhan ko talaga si Dahyun. Never na mangyayari 'yon. Kung gusto niya si Dahyun, kanyang-kanya na.

Pakialam ko kung maging sila? Pakialam ko kung gusto nila ang isa't-isa? As if namang masasaktan o may pakialam ako.

Nang dumating ako sa bahay, nagtaka ako dahil wala yung mga maid. Ako na mismo ang nagbukas ng gate ngayon dahil wala ngang maid na lumabas para pagbuksan ako.

Sa paglakad ko papasok, napahinto ako dahil sa narinig kong boses ng babae. Masama ang pakiramdam ko sa narinig ko.

Naabutan kong may kasamang babae sa living room si Dad. Hindi ko maatim na tingnan sila.

"Na--Nayeon, Nandito ka na pala." Agad na initulak ni Dad palayo sa kanya ang babaeng dinala niya sa bahay.

"Dad, Dito ka pa talaga naghasik ng lagim." Napatikhom ako ng kamay habang pinagmamasdan siya at ang bagong babae niya.

"Sige na. Umalis ka na. Saka na lang tayo magusap." Sabi ni Dad sa babae niyang agad rin namang umalis ng bahay.

"Nayeon, Let me explain." Akma na sana akong lalapitan ni Dad. Hindi ko na kaya. Ano bang problema sa pamilyang 'to? Bakit ganito?!

"Ang sama niyong tao! Nakakahiya kayo! Explain? Ano pa pong ie-explain niyo? Sasabihin niyo na namang pagtakpan ko kayo? Ano po? Pagsisinungalingin niyo ko kay Mom?" Nanggigigil na tanong ko sa kanya.

"Kung maaari huwag mo nang banggitin sa Mom mo ang nakita mo. Isang pagkakamali 'yon. Alam mo namang mas mag-aaway lang kami ng Mom mo kapag nalaman niya." Paliwanag pa ni Dad sakin.

"I can't believe you, Dad. Bakit ginagawa mo samin 'to? Bakit sinasaktan mo kami nang paulit-ulit? Pagkakamali? Na naman? Tama na po. Pagod na pagod na po ko sa kakaasang magbabago pa kayo." Bago pa tuluyang bumagsak ang luha ko, lumabas na ko ng bahay.

Sumakay ako sa motor ko't umalis na muna. Hindi ko kayang manatili sa bahay na 'yun sa ngayon. Kailan ba matatapos ang problema namin? Kailan ba hihinto si Dad sa kalokohan niya? Hanggang kailan magtitiis si Mom sa kanya? Hanggang kailan magiging ganito ang pamilya namin? Nakakapagod na.

Dahil wala akong ibang pupuntahan, nagpalibot-libot na lang ako kung saan-saan para lang libangin ang sarili ko at para lang mapigilan ang luha kong gustong-gusto nang bumagsak.

Pero sa huli, hindi ko alam kung bakit tila napadpad ako sa karinderya nila Dahyun.

"Magsasarado na po kami." Rinig kong sabi ni Dahyun pero nanatili ako sa pwesto ko. Wala akong ganang kumilos o magsalita man lang. Basta alam ko, pagod na pagod na ko.

"Sige na, Anak. Kunin mo na ang order nung last customer natin." Rinig kong sagot naman ng mama niya kaya wala nang nagawa si Dahyun kundi lapitan ako.

"Ano pong order ni---" Natigilan si Dahyun nang makita akong nakapwesto sa isang table.

"Gusto kong order-in 'yung pinakamasarap na pagkaing maihahanda niyo." Seryosong pagkakasabi ko sa kanya kaya tumango na lang siya.

Habang inaasikaso ng Mom niya ang inorder ko. Lumapit na muna si Dahyun at naupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?"

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon