81: 8 Letters

435 22 3
                                    

Sana's Pov:

"Dahyun, are you okay?" Nilapitan ko si Dahyun sa balcony dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

"Yes. I'm--I'm okay." Ngumiti siya sakin.

"Mukhang napapadalas ang pagtahimik mo ngayon ah."

"Ta--Talaga? Pasensya na. Pagod lang siguro ako."

"Ako din pagod na." Napatingin siya sakin.

"Huh?"

"Pagod na kong makitang nagkakaganyan ka."

"What do you mean?"

"Sabihin mo man o hindi. Alam kong malaki parin ang epekto ni Nayeon sayo."

"Ta--Tama ka. Akala ko hindi na ko maaapektuhan sa muling pagkikita namin. Nagkamali pala ako. Heto na naman ako sa mga akala ko."

"Mahal mo pa ba siya?" Natahimik siya sa tanong ko.

"Tara. Magluto tayo ng pagkain." Pagbabago niya sa topic.

"I see, mahal mo parin siya." Napapansin ko 'yung kakaibang meaning ng bawat tingin niya kay Nayeon noong magreunion kami.

"Huh? Wala naman akong sinasabi."

"Nevermind na lang. Tara na. Magluto na tayo." Tumango na lang siya sakin. Nauna na siyang pumunta sa kusina. Napahinga naman ako nang malalim dahil sa mga nangyayari.

Oo, pagod na ko. Pagod na kong makita siyang nalulungkot at nasasaktan. Pero hinding-hindi ako mapapagod na mahalin siya.

Sumunod na ko sa kusina't tumulong na sa pagluluto. Magbe-bake kami ng cookies.

"May pag-asa bang makipagbalikan ka kay Nayeon?" Napahinto siya sa ginagawa niya.

"Ba--Bakit natanong mo?"

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung ano ba 'yung bumabagabag sa isip mo. Sa tingin ko may kinalaman si Nayeon don."

"Kung ano man ang meron kami ni Nayeon, naiwan na ang lahat ng 'yun sa nakaraan."

"Sigurado ka?"

"Are you okay, Sana?" Imbes na sagutin ang tanong ko, sinimulan niya rin akong tanungin.

"I'm not okay."

"W--Why?"

"Nag-aalala ako."

"Na ano?"

"Na baka mawala ka sa tabi ko."

"Bakit naman ako mawawala sa tabi mo? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan." Hinawakan niya ko sa pisnge kaya naman napatango na lang ako.

"Nag-aalala ko na baka saktan ka na naman niya."

"Hindi na niya ko masasaktan. Hindi na ko papayag na masaktan niya na naman ako."

"I will always protect you, Kim Dahyun."

"Maraming salamat sa pag-aalala, Sana." Ipinagpatuloy na lang niya ang pagbe-bake habang abala ko sa pagmamasid sa bawat kilos niya.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon