Sana's Pov:
Hindi ko alam kung anong tunay na dahilan. Hindi ako kinakausap ni Dahyun. Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong iniiwasan niya ko.
Simula nung araw na mag-away kami ni Nayeon, marami nang nagbago. Ni hindi na kami nagiimikan ni Nayeon. Hindi na rin siya gaanong sumasama samin. Sa katunayan, hindi na talaga siya sumasama samin. Parang walang pagsasama na nabuo sa pagitan naming lahat para sa kanya.
Nagagawa kong tiisin yung sakit ng hindi pakikipagusap samin ni Nayeon pero ibang klase yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing si Dahyun na ang hindi pumapansin sakin.
May nagawa ba kong masama? Galit ba siya sakin? Hindi na rin siya umiimik sa amin eh. Kinakausap niya kami pero hindi tulad ng dati. Mas madalas siyang sumama kay Nayeon. Naiintindihan ko naman na walang masama kung mas magsama sila dahil may relasyon sila pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang palagi rin nilang kasama si Jeongyeon.
Hindi ko gusto 'yung nakikita kong closeness sa pagitan ni Nayeon at Jeongyeon habang nasa tabi nila si Dahyun na halata namang hindi komportable sa nangyayari sa tabi niya.
Nagtataka kayo kung bakit hindi kumikilos o gumagawa ng paraan ang buong tropa? Napag-usapan na namin 'to. Mas mabuting hayaan naming magdesisyon sila Dahyun kung paano tatakbo ang kwento ng buhay nila.
Aminado kaming nakakapagtampo pero anong magagawa namin? Hindi namin desisyon ang desisyon nila. Wala parin namang nagbabago sa pagtrato namin sa kanila eh. Para samin sila parin yung kaibigan namin 'yun nga lang mas pinili nilang magkaroon ng space samin. Ayos lang.
Kaibigan parin namin sila. Aabangan na lang namin kung anong patutunguhan ng mga desisyon nila.
Recess time, napadaan ako sa hallway papunta sa canteen para bumili ng pagkain. Nakita kong kasama na naman nila Nayeon at Dahyun si Jeongyeon. Kailan ba hahayaan ni Jeongyeon na magkaroon ng solong time 'yung dalawa? Palagi siyang naka-extra. Nagpretend akong may tinitingnan sa bulletin board para marinig ang usapan nila.
"Gutom na ko." Rinig kong sabi ni Jeongyeon.
"Dahyun, bili ka muna sa canteen ng pagkain natin." Sambit ni Nayeon sabay abot ng pera kay Dahyun.
"Bakit ako?" Tanong ni Dahyun.
"Eh may ikinukwento pa kasi si Jeongyeon tungkol sa problema niya sa pamilya niya." Sagot ni Nayeon.
"Samahan mo ko." Sambit naman ni Dahyun.
"Kaya mo na 'yan." Sabi naman ni Jeongyeon. What the hell? Ang kapal ng mukha niya.
"Love mo ko, diba? Sige na." Pangungulit ni Nayeon kay Dahyun na walang nagawa kundi sumunod sa ipinag-uutos sa kanya.
"Sige na nga. Punta na ko sa canteen. Hintayin niyo ko dito." Lumakad na si Dahyun papuntang canteen. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawang utusan ni Nayeon si Dahyun dahil sa Jeongyeon na 'yon. Nakakainis.
"Ang lakas mo talaga kay Dahyun. Iba ka." Sambit ni Jeongyeon sabay hampas sa braso ni Nayeon.
"Siyempre ako pa? Love na love kaya ako ng Dahyun ko. Napakaswerte ko kaya sa Dahyun ko. Hindi niya ko matanggihan dahil love niya ko." Nakangiting sagot ni Nayeon.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019