Nayeon's Pov:
Ganito pala yung feeling ng in-love. Kahit kausap mo na siya magdamag, miss mo parin nang sobra. Paggising ko, siya na agad ang pumasok sa isip ko.
Kahit sa pagkain ko ng agahan, siya parin ang naiisip ko. Nagalmusal na kaya siya? Tulog pa kaya siya ngayon? Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala yung masasayang moments na kasama siya.
"Nayeon, bakit ngumingiti ka diyan nang mag-isa?" Tanong ni Dad sakin.
"Wala po." Pinilit kong tanggalin yung ngiti sa mukha ko para hindi halatang kinikilig ako.
"Napapadalas ata ang pagtutok mo diyan sa cellphone mo. Ngumingiti ka na ngayon ng walang dahilan." Sabi naman ni Mom.
"Sige po. Punta muna kong kwarto." Nagpunta na lang ako sa kwarto para hindi ako napagkakamalang baliw.
Ano ba 'yan? Miss na miss ko na agad siya. Ano kaya kung puntahan ko siya sa bahay nila? Ano kaya kung yayain ko siya ng date ngayon? Eh, paano kung tulog pa siya? Aish. Ayoko naman siyang istorbohin.
Ilang minuto rin akong nagpabago-bago ng isip hanggang sa tuluyan na kong magdesisyon na puntahan siya sa kanila.
"Saan na naman ang punta mo?" Tanong ni Mom sakin.
"Sa classmate lang po."
"Hindi mo man lang ba pipigilan ang anak mong magbulakbol na naman?" Rinig kong tanong ni Dad kay Mom.
"Ano bang masama sa pagpunta niya sa classmate niya? Umayos ka nga. Kung makapagsabi kang nagbubulakbol ang anak mo. Eh ikaw naman talaga 'tong nagbubulakbol." Sagot ni Mom sa kanya.
Ooops. Ayan na naman sila. Bago pa magsimula ang away nila, umalis na ko ng bahay. Mahirap na. Ayokong masira ang mood ko. Walang pwedeng sumira ng araw na 'to.
Nang makarating ako sa bahay nila Dahyun, nalaman kong tulog pa si Dahyun. Paalis na sana ako para hindi na mabulabog ang tulog ni Dahyun kaso ginising na siya ng mama niya.
Nagulat ako nang bumaba siya sa hagdan. Dere-deretsyo lang siya. Dinaanan lang ako. Mukhang inaantok pa siya eh. Hindi niya siguro ko napansin. Gulo-gulo pa yung buhok niya. Ang cute parin niya kahit bagong gising.
Nang matauhan siya, napabuga siya ng tubig. Halos magpanic siya nang makita ako sa harapan niya. Ikinahihiya niya ang bagong gising na itsura niya. Eh ano naman?
Masasanay rin naman talaga ako sa ganyang itsura niya balang araw dahil sakin siya ikakasal. Sisiguraduhin ko 'yun.
Pinakilos na siya ng mama niya kaya naupo na lang muna ulit ako sa sofa para hintayin siyang makapagayos. Nang ready na siya, lumabas na kami sa bahay nila.
Hindi lang basta gala 'to, it's a date. Special ang araw na 'to. Ayokong maboring si Dahyun sa special day na 'to. Sisiguraduhin kong mageenjoy siya. Yun naman talaga yung gusto ko, ang mapasaya siya.
Habang nasa biyahe, tahimik lang siyang nakatingin sa view sa labas. Sobrang tahimik naman.
"Magpapatugtog ako." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sakin kaya sinimulan ko nang magpatugtog. Ginanahan akong makisabay sa kantang "Passenger Seat" by Stephen Speaks.
"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all I need
Right here in the passenger seat
And I can't keep my eyes on the road
Just knowing that she's inches from me."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
