Dahyun's Pov:
Habang nagpapahinga sa bahay, napansin kong kakaiba na naman ang ikinikilos ni Mama Jihyo.
"Ayos lang po ba kayo, Ma?" Nilapitan ko siya't inalalayan para makaupo nang ayos sa sofa.
"Oo, Anak. Huwag kang mag-alala. Medyo nahihilo lang ako."
"Baka po kailangan niyo pang magpahinga. Nadadalas po ang pagkahilo't pagkakasakit niyo."
"Ayos lang talaga ako, Dahyun. Magpahinga ka na. May party ka pang pupuntahan mamaya."
"Ano po kaya kung 'di na lang ako umattend? Aalagaan ko na lang po kayo."
"Hindi na, Dahyun. Ayos lang ako. Espesyal ang party na 'yun. Minsan lang mangyari 'yun sa buhay mo. Magandang experience rin ang makaattend ka sa celebration niyo ng graduation niyo. Saka, malamang hahanapin ka ni Nayeon don."
"Ma, mas importante sakin 'yang health niyo. Pacheck-up ka na kaya."
"Hindi na. Gastos lang 'yun. Sige na. Konting pahinga lang 'to." Napatango na lang ako kay mama na agad rin namang pumunta sa kwarto niya para magpahinga't matulog.
Nag-aalala ako kay mama. Sakitin siya ngayon. Palagi siyang nahihilo. Tutuloy pa ba ko sa party mamaya?
Minabuti ko nang kunin ang phone ko para tawagan si Nayeon. Mabuti naman sinagot niya.
On The Phone:
"Hello, Nayeon."
"Why?" Seryoso ang tono ng pananalita niya.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo."
"What happened?"
"Sumulpot yung Dad ko. Nagawa pa pala niyang umattend sa graduation ceremony kanina. Tsk. Bakit pa siya nagpakita sa special day na 'to? Nakakainis."
"Diba dapat matuwa ka kasi pangarap mong makasama sila sa araw ng graduation natin."
"Matuwa? Tsk. Noon 'yon. Pangarap ko noon. Hindi na nga ngayon. Mas gusto ko pang magpakalayo-layo na lang siya. Matapos ng ginawa niya samin? Ang mga katulad niya hindi na dapat tinatanggap at pinapatawad."
"Relax, Nayeon. Naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo. Anyway, tumawag ako sayo kasi baka hindi na ko makaattend mamaya."
"Ano? Special day kaya 'to. Bakit hindi ka aattend?!" Biglang tumaas yung tono ng pananalita niya. Halatang wala siya sa mood ngayon.
"Alam ko pero ---- masama na naman pakiramdam ni mama eh. Plano ko sanang alagaan na lang siya ngayon."
"Gagaling din naman ang mama mo eh. Konting pahinga lang ang katapat ng sama ng pakiramdam. Saka hindi naman tayo magtatagal mamaya sa party. Ihahatid rin kita pauwi."
"Pero kasi si mama ---"
"Ano? Iiwanan mo rin ako? Anong gagawin ko mamaya sa party nang mag-isa?!"
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
