Dahyun's Pov:
Sa mga oras na 'to, nandito kami sa classroom nila Jeongyeon. Tinutulungan kasi namin siyang gawin yung project niya eh. Sakto, vacant namin kaya ayos lang.
"Dahyun, pwede ka bang bumili ng school supplies na gagamitin ko? Kukulangin kasi sa oras kung ako pa ang lalabas para bumili. Please." Sabi ni Jeongyeon sakin.
"Si--Sige. Papasama na lang ako kay Nayeon para mas mabilis." Tatayo na sana si Nayeon kaso nagsalita si Jeongyeon.
"No. Kailangan ko si Nayeon dito. Kailangan ko ng katulong. Sayang kasi ang oras. Magtaxi ka na lang."
"Mas mabuti kung si Dahyun na ang maiiwan dito kasama mo. Ako na ang bibili sa labas para mas mabilis." Sabi ni Nayeon.
"No. Mas maalam ka sa project kong 'to. Bigyan ko na lang ng pamasahe si Dahyun. Please."
"Si--Sige na. Ako na ang bibili. Kaya ko naman eh. Hintayin niyo na lang ako. Mabilis lang 'to." Kinuha ko na yung pera kay Jeongyeon.
"Ingat ka, Dahyun." Sabi ni Nayeon sakin kaya naman kumilos na ko. Lumabas na ko sa gate para maghanap ng masasakyang taxi. Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang kung sinong nakahelmet sakay ng motor.
"Sakay na." Sambit niya.
"Sino ka?"
"It's me." Tinanggal niya yung helmet na suot niya.
"Sa--Sana?"
"Saan ka pupunta?"
"May bibilhin lang na school supplies. Kaya ko na, Sana. Salamat na lang."
"Mas mapabibilis kapag sumabay ka na sakin. Sige na. Ihahatid na kita." Tiningnan ko ang relo ko. Sa bagay, may punto siya. Mas mapapabilis nga kung ihahatid niya ko.
Hindi na ko tumunganga pa. Umangkas na ko sa motor ni Sana. Himala. Nakamotor siya ngayon. Nang makarating kami sa tindahan, sinamahan niya kong bumili.
"Para kay Jeongyeon 'to, diba?"
"Paano mo nalaman?"
"Uhm. Hinulaan ko lang."
"Ta--Tama. Tinutulungan kasi namin siya sa project niya." Habang namimili, naalala kong ibibili ko nga pala ng gamot sa trangkaso si mama. Masama ang pakiramdam niya eh.
"Are you okay, Dahyun?"
"Oo. Naalala ko lang na ibibili ko pa nga pala si mama ng gamot sa trangkaso."
"Samahan na rin kita bumili."
"Hindi na. Sige na. Bumalik ka na sa classroom. Kaya ko na."
"Alam kong nangako akong hahayaan muna kitang malayo sakin pero hindi ko naman pwedeng hayaan na mastress ka sa mga bagay-bagay. Namamayat ka na. Halata pang palagi kang puyat. Kailangan mong magpahinga."
"I'm okay, Sana. Kaya ko naman eh. Sadyang naging busy lang kami ni Nayeon para tulungan si Jeongyeon sa projects niya nitong mga nakaraang linggo."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019