"Do you remember we were sitting there by the water? You put your arm around me for the first time."
- Mine by Taylor SwiftNayeon's Pov:
Nang lumabas ako sa kwarto para maglibot-libot sa tabing dagat, nakasalubong ko si Dahyun.
"H--Hi." Bati ko pero hindi niya ko pinansin. Dumaan lang siya sa gilid ko kaya naman sinundan ko siya.
Habang abala siya sa paglalakad sa tabing dagat, abala rin ako sa pagsunod sa bawat yakap na dinadaanan niya.
"Tell me. Bakit ba sinusundan mo ko? Aso ka ba?" Nakakunot-noong tanong niya. Heto na naman 'yung pagkunot-noo niya.
"Hindi naman kita sinusundan eh."
"Ako ang gagawin mong tanga. Oo, noon nagpakatanga ko para sayo. Ngayon, hindi na." Seryosong sabi niya.
"Sobra ka naman. Wala naman akong sinabing tanga ka." Napakamot-ulo ko habang nakasimangot siyang nakatitig sakin.
"Stay away from me, Im Nayeon."
"Naalala mo noon? Yung mga panahong nag-eenjoy pa tayong magtampisaw sa tabing dagat. Yung mga panahong ako palagi yung nakaakbay sayo." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Pakialam ko?""Alam mo --- bigla kong naalala yung mga panahong bago pa lang tayong magkakilala."
"Pinagsasabi mo?"
"Sa sobrang kulit mo noon, halos itulak na kita palayo. Nagrereklamo ka pa dahil sa palaging pagkunot-noo ko sa tuwing guguluhin mo ko. Pero tingnan mo ngayon? Ako na 'tong nangungulit sayo. Ikaw naman 'yung nakakunot-noo."
"Eh, ano ngayon?"
"Wala lang. Naalala ko lang bigla." Ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019