Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Napahawak ako sa labi ko habang naglalakad pauwi. Nagflashback sakin yung moment na nagdampi ang labi namin ni Nayeon.
"Damn it. My first kiss!" Nasabi ko na lang habang naglalakad pauwi.
"Dahyun!" Napalingon ako sa likuran ko.
"Sa--Sana?"
"Buti naabutan pa kita." Nagmadali siyang lumabas sa kotse.
"Ba--Bakit?"
"Pwede ba kitang yayain magdinner?"
"A--Ako?"
"Yes. Wala kasi akong kasabay magdinner. Medyo busy schedule ng parents ko."
"Pa--Pasensya na, Sana. Walang kasabay magdinner si Mama Jihyo mamaya eh."
"Ganun ba? Eh di makikisabay na lang din ako sa inyo mamaya. Okay lang ba?"
"Si--Sige. Ikaw ang bahala." Napakamot-ulo na lang ako.
"Maliwanag pa naman. Tara. Maglibot-libot muna tayo bago pumunta sa inyo." Yakag niya sakin. Tumango na lang ako bago sumakay sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa lugar kung saan makakapagusap tayo nang maayos." Sagot niya kaya nacurious ako. Tumahimik na lang ako habang abala siya sa pagdadrive.
Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isiping muli yung nangyari kanina. Ni hindi ko magawang tumingin kay Nayeon hanggang uwian. Hindi ko alam kung bakit.
Magkaibigan kami eh. Imposible namang magustuhan niya ang tulad ko. Ayaw na ayaw niya nga sakin eh. Madaldal kasi ako. Makulit kasi ako. Palagi ko kasi siyang binubulabog. Baka nakoconfused lang siya sa nararamdaman niya.
"Are you okay, Dahyun? Tahimik ka masyado ngayon eh."
"Ayos lang ako. Salamat."
"Just tell me kung naboboring ka na ah. I won't force you to stay."
"No. It's okay. Don't worry. Marami lang akong iniisip." Ngumiti na lang ako sa kanya.
Nang huminto ang kotse, napalingon ako sa paligid. Anong ginagawa namin dito sa seaside?
"Let's go." Yakag niya sabay hawak sa kamay ko. Naupo kami sa isang tabi habang pinagmamasdan ang alon ng dagat.
Bigla kong naalala yung time na dinala ko ni Nayeon dito sa seaside.
"Kim Dahyun, Pwede ba kitang maging kaibigan?"
Naalala ko rin yung moment na tinanong niya kung pwede kaming maging magkaibigan. Sobrang saya ko nun dahil sa wakas, magkaibigan na kaming dalawa.
Paano humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat? Paano umabot sa puntong umamin sakin si Nayeon ng nararamdaman niya? Ayokong masayang yung friendship na nabuo namin.
"Hey Dahyun, Are you listening to me?" Natauhan ako nang makita kong nagsasalita na pala si Sana.
"Are you really okay, Dahyun? Parang wala ka sa sarili mo ngayon." Sambit ni Sana.
"Pa--Pasensya na. Marami lang kasi akong iniisip."
"Sino?"
"Huh? Anong sinasabi mo?"
"Sinong bumabagabag sa isip mo?" Napatingin ako sa kanya. Napakaseryoso ng mata ni Sana.

BINABASA MO ANG
You Should Talk
أدب الهواة"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019