Dahyun's Pov:
"Si--Sigurado ka ba dito, Nayeon?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Relax, Dahyun. Don't worry, akong bahala sayo." Hinawakan niya ko sa kamay kaya huminga na lang ako nang malalim bago kami tuluyang pumasok sa malaking bahay nila.
Tama. Ngayon ang araw kung kailan ipapakilala na ko ni Nayeon sa magulang niya. Kinakabahan ako. Para akong mawawalan ng malay dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Where's Mom and Dad?" Tanong ni Nayeon sa maid nila.
"Nasa second floor po." Sagot ng maid.
"Let's Go, Dahyun." Hindi parin binibitawan ni Nayeon ang kamay ko hanggang sa umakbay na kami papuntang second floor kung saan naroon ang magulang niya.
"Saan ka na naman nanggaling, Nayeon?" Seryosong tanong ng Dad niya nang makita siya.
"I'm with my girlfriend." Seryosong sagot ni Nayeon sabay hila sakin para makita ako ng magulang niya.
Natigilan sila nang makita ako. Anong gagawin ko? Nakatingin lang sila sakin.
"He--Hello po." Nahihiyang bati ko sa kanila.
"Girlfriend?" Tanong ng Mom niya.
"Opo. She's Dahyun. My Girlfriend." Matapang na pagpapakilala sakin ni Nayeon.
"Ikaw pala ang Dahyun na gustong ipakilala samin ni Nayeon." Sambit naman ng Dad niya.
"O--Opo. Magandang araw po." Muli kong bati sa kanila.
"Anong business ng pamilya mo?" Deretsyahang tanong ng Dad niya sakin.
"It doesn't matter kung anong business ng pamil----" Hindi na naituloy ni Nayeon ang sasabihin nang muling magsalita ang Dad niya.
"Anong pinagkakaabalahan ng pamilya mo, Dahyun?" Tanong sakin ng Dad ni Nayeon.
"Uhm. Maaga pong nawala ang Papa ko. Nagmamanage naman po ng karinderya ang Mama ko."
"Karinderya?" Napatango na lang ako.
"Mabuti naman nagagawa kang pag-aralin ng mama mo kahit na karinderya lang ang pinagkakaabalahan niya. Magkano bang gusto mo?" Natigilan ako sa sinabi ng Dad ni Nayeon.
"P---Po?"
"Honey! Don't do this." Saway ng Mom ni Nayeon sa Dad niya.
"I'm just stating the fact. Hindi tayo nakakasigurado kung mahal ba talaga ni Dahyun ang anak natin. Malay natin may iba siyang pakay." Dagdag nito kaya naman nagsimula na kong makaramdam ng inis.
Hindi dapat minamaliit ang trabaho ni mama. Hindi dapat minamaliit si mama. Hindi dapat siya nanghuhusga. Mahal na mahal ko si Nayeon. Wala akong pakialam sa yaman o pera nila.
"Dad, Enough!" Napatikhom kamay si Nayeon dahil sa inis.
"No, Nayeon. It's---It's Okay." Awat ko sa kanya.
"I won't let it pass. I won't give up on you." Sagot niya sakin sabay tingin sa magulang niya.
"Pagpasensyahan mo na ang Dad mo, Nayeon. Nabigla lang siya." Paliwanag ng Mom niya.
"Nabigla? Tsk. Nabigla man o hindi. Walang magbabago sa nararamdaman ko para kay Dahyun. Wala akong pakialam kung sang-ayon kayo o hindi sa relasyon namin. Ang mahalaga, hindi ko siya bibitawan. Hindi ko siya papakawalan. Isa pa, hindi lang basta-basta ang business nila. Nagpupursigi yung mama niya para makaipon. Huwag niyo silang maliitin." Galit na sabi ni Nayeon sa kanila.
"Ta---Tama na, Nayeon." Muli kong awat kaso ayaw niyang huminto sa pagsasalita.
"Mahal na mahal ko si Dahyun. Ipaglalaban ko siya kahit na kumontra pa kayo. Siya lang ang gusto ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kasaya. Kahit buong mundo pa ang kumontra samin, lalaban parin ako. Buo na ang desisyon ko." Dagdag ni Nayeon sa kanila.
Ngayon ko lang nakitang ganito kainis si Nayeon. Ngayon ko lang rin nasaksihan nang harapan ang pakikipagtalo niya sa magulang niya. Na-appreciate ko yung effort at tapang niya para ipaglaban ako. Pero tama bang suwayin ang kagustuhan ng parents niya?
Ayokong mas masira ang relasyon niya sa magulang niya. Ayokong makagulo sa pamilya nila. Ayokong masaktan si Nayeon. Ayokong masira nang tuluyan ang pamilya niya. Anong gagawin ko?
Hindi na naghintay pa ng kung ano si Nayeon. Muli niya kong hinawakan sa kamay para umalis.
"So--Sorry po." Nasabi ko na lang sa magulang niya.
"Na--Nayeon! Anak!" Tawag ng Mom niya.
"Let's Go, Dahyun." Wala na kong nagawa kundi sumama kay Nayeon palabas ng bahay nila.
"I'm sorry, Nayeon." Naiiyak na sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko sinisira ko ang pamilya nila.
"For what?"
"Dahil sakin, nagaaway kayo."
"No. It's not your fault. Noon pa man nagaaway na kami. Walang masama sa paglaban ko para sa pagmamahalan natin. Diba sabi ko sayo, ipaglalaban kita. Huwag kang mag-alala. Akong bahala sayo. Hindi kita susukuan." Sagot niya sabay yakap sakin nang mahigpit.
"A--Ayoko lang na masira ang buhay mo. Parents mo parin sila."
"Hindi ka nakakasira sa buhay ko. Ikaw ang kumukumpleto sa buhay ko. Kapag nawala ka sakin, ano nang mangyayari? Trust me. I'll fix everything. Sa ngayon, ihahatid na muna kita sa inyo para makapagpahinga ka na. Maraming salamat sa pagharap sa magulang ko. I love you so much." Sabi niya sabay halik sa forehead ko.
Sumakay na kami sa kotse niya't ihinatid na niya ko pauwi. Nang makaalis na siya, dumiretsyo na ko sa kwarto.
"Dahyun, may problema ba?" Tanong ni mama.
"Wa--Wala po. Pagod lang po ako. Magpapahinga po muna ko." Sagot ko sabay taklubong na lang ng kumot. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Anong laban namin sa buong mundo? Paano kung lahat ng tao kumontra sa pagmamahalan namin? Paano namin mareresolba ang problemang 'yun? Ayokong malagay sa gulo si Nayeon. Ngayon pang nagiging masaya na siya. Ayokong mawala na naman yung ngiting nakikita ko sa kanya.
Tama ba 'tong ginagawa namin? Alam kong importante sa kanyang maayos ang pamilya niya. Ayokong tuluyan nang mawala ang chance na magkaayos sila nang dahil sakin. Ayoko.
💐To Be Continued💐
A/N: Isang madramang chapter para sa inyo. Promise. Hindi talaga madrama 'to. Hahahahaha. Fighting
![](https://img.wattpad.com/cover/157128011-288-k37897.jpg)
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019