33: Thoughts

497 29 5
                                        

"I used to be someone na hindi nakikigulo sa kung ano mang trip ng mga kaibigan ko pero nung si Dahyun na ang usapan, gustong-gusto ko nang makiusyoso."
- Sana

Sana's Pov:

Buong araw akong hindi mapakali ngayon. Hindi ko alam kung ano yung eksaktong reason pero paulit-ulit ko talagang naiisip kung ano nang nangyari sa lakad nila Nayeon at Dahyun.

Nakakabigla lang talaga na may lakad silang dalawa nang sila lang. Hindi ko inexpect na mas may iwi-weird pa pala yung namamagitan sa kanilang dalawa.

They're not friends, pero magkasama sila ngayong araw. Gala ba 'yun? Lakad? Baka naman date? Impossible. Si Nayeon na mismo ang nagsabi na hinding-hindi siya magakakagusto kay Dahyun eh.

Walang dapat ipag-alala. Aish. Pakiramdam ko tuloy mas nagiging weird pa ko kaysa sa kanila ngayon. Bakit ba nababagabag ako ngayong magkasama silang dalawa? Hindi ko maintindihan.

Ano kaya kung tawagan ko si Dahyun? Maki-join na lang kaya ako sa kanila? Tsk. Mababaliw na ko sa mga nangyayari. Wag na nga lang. Baka maistorbo ko pa sila. Baka isipin pa nilang nanggugulo ako. Ginabi na ko sa kakaisip kung ano ba talagang nangyayari sakin.

Hanggang sa magdesisyon na lang akong matulog, sandali ko munang binuksan ang phone ko para magcheck ng facebook.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong post ni Dahyun na may caption na "Thank you so much, Nayeon."

Binigyan ni Nayeon ng stuffed toy at bracelet si Dahyun? Pero bakit? Ang alam ko, hindi si Nayeon 'yung tipong nagbibigay ng regalo sa iba. Kuripot 'yun kahit mayaman. Ni ayaw nga nun ng nagpapahiram samin ng gamit niya.

Kung may ipapahiram man siya, ayaw na niyang bawiin. Arte 'yun eh joke haha.

Dahil sa nakita kong post ni Dahyun, mas nakaramdam ako ng kung ano. Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa ngayon?

Napahinga na lang ako ng malalim at ipinikit na lang ang mata ko kahit na naiisip ko parin kung bakit nagkakaganito ako? Oo, aminado akong may interes ako kay Dahyun. Why not? She's cute. She's my ideal type.

Pero hindi ko inexpect na ganito pala yung effect sakin kapag may kasama siyang iba. Gusto ko siya pero hindi gaano kalalim yung pagkagusto ko sa kanya. Yun ang akala ko.

Pero ano 'tong kabaliwang nangyayari sakin? Selos na ba 'tong nararamdaman ko? Wala naman akong karapatan magselos eh.

"Kim Dahyun, You're making me crazy." Mahinang sabi ko na lang sabay taklob ng unan sa mukha ko.

I used to be someone na hindi nakikigulo sa kung ano mang trip ng kaibigan ko pero nung si Dahyun na ang usapan, gustong-gusto ko nang makiusyoso.

Kinabukasan, pagmulat ko palang ng mata. Naalala ko na wala nga pala akong gagawin ngayong araw since wala namang pasok.

Maboboring lang ako dito sa bahay. Tumunganga na lang ako sa balcony habang iniisip kung ano bang magandang gawin ngayon hanggang sa may maisip ako. Ano kaya kung bumisita na lang ako sa karinderya nila Dahyun? Tama!

Nagmadali na kong kumilos para makarating agad kila Dahyun. Kung walang gagawin si Dahyun ngayong araw, mabuti pang ngayon na namin gawin 'yung lakad namin. Gusto ko kasi talaga siyang makasamang magala. Isang magandang pagkakataon 'to.

Hindi ko mapigilang maexcite nang makarating ako sa kanila. Ini-park ko muna sa parking area yung kotse ko bago tuluyang lumabas para bisitahin si Dahyun at ang Mama niya.

Pero bago pa ko makapasok sa loob ng  karinderya, natanawan ko agad yung isang motor na naka-park sa isang tabi. Familiar yung motor na 'yun. Bigla tuloy akong kinabahan. Siguro hindi naman sila magsasama nang magkasunod na araw. Imposible 'yun kasi nga hindi sila magkasundo at hindi sila magkaibigan. Palagi silang nagaaway na parang aso't pusa.

"Mas cute ka kaya sa stuffed toy na ibinigay ko sayo hahaha!" Napahinto ako sa pagpasok sa loob nang marinig ko ang boses at tawa ni Nayeon.

Nang sumilip ako, hindi ako nagkakamali. Nandito nga si Nayeon. Ano na namang ginagawa niya dito? Kahapon magkasama sila, ngayon magkasama ulit sila ni Dahyun.

"Binobola mo na naman ako hahahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Binobola mo na naman ako hahahaha. Itatapon ko 'yon eh!" Natatawang sagot ni Dahyun kay Nayeon na masayang nakatingin sa kanya.

"Huwag naman. Special 'yon eh! Icherish mo 'yon. Alam mo bang napakaswerte mo? Hindi naman kasi ako mahilig mamigay ng gifts. I-appreciate mo yung effort ko sayo hahaha." Naka-pout na sagot ni Nayeon kay Dahyun na natatawa lang.

"Grabe. Nagpapacute! Hahaha. Opo. Salamat po talaga. Naappreciate ko yung effort mo hahaha."

"Nako! Nayeon, Huwag kang maniwala na itatapon ni Dahyun yung ibinigay mo. Ayaw ngang bitawan kagabi. Tuwang-tuwa." Kwento naman ng Mama ni Dahyun kay Nayeon.

"Buti naman po haha. Maswerte ka talaga, Dahyun. May kaibigan kang katulad ko haha." Nabigla ako sa narinig ko mula kay Nayeon.

Kaibigan? Magkaibigan na sila? So, kaya pala may pagbabago akong napapansin sa pagitan nilang dalawa. Mukhang enjoy na enjoy si Nayeon na kakwentuhan si Dahyun at ang Mama nito.

Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganun si Nayeon. Mukhang totoo talaga yung happiness na nararamdaman ng kaibigan ko sa mga oras na 'to.

Napangiti na lang ako dahil sa sayang makita na may magandang changes na nangyayari kay Nayeon ngayon. Sa tuwing ngumingiti kasi siya kapag kasama kami, halata parin na nalulungkot parin siya. Pero this time, may kakaiba sa ngiti niya.

Napahinga na lang ako nang malalim. So what kung close na sila? Wala namang mangyayaring kakaiba. Maganda nga 'yon eh. Magkakaibigan na kaming lahat. Mas magiging maganda yung bond na mangyayari sa mga susunod na araw.

Bakit ba ko nagiisip ng mga negative thoughts? Siguro nag-aalala lang ako na baka mag-away na naman silang dalawa kaya nagkakaganito ako.

Siguro ganun nga. Sana ganun na nga lang. Minabuti ko na lang na umalis para hindi sila maistorbo. Nakakaproud parin na may improvement kay Nayeon ngayon. Masaya ako para sa magandang nangyayari sa kaibigan kong si Nayeon.

❤To Be Continued❤

A/N: Sorry kung medyo magulo o medyo lame yung pagkaka-update ko ngayon. Medyo busy kasi talaga ako. Fighting!

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon