99: Y o u

418 17 2
                                        

Sana's Pov:

Habang abala sa pagaalmusal sila Mom at Dad, pumuwesto na rin ako para sumabay sa kanila.

"Good morning, Mom and Dad."

"Good morning, Sana." Bati nila sakin. Nagsimula na rin akong kumain kasabay nila.

"Uhm, Kinausap nga pala ako nila Dahyun at Nayeon. Balak daw sana nilang magbakasyon ulit sa beach resort natin. Aayusin ko na lahat ng kailangan." Sambit ko sa kanila.

"Ganun ba? Sige. Wala namang problema doon. Libre na lang para sa kanila."

"Yun nga po eh. Sabi ko sa kanila okay na kahit walang bayad kaso ang kulit. Nakakahiya naman daw. Hinayaan ko na lang. Hindi papatalo 'yun eh." Kwento ko sa kanila.

"Mabuti naman maayos na ang buhay nilang dalawa. Magsisimula sila ng bagong kabanata ng buhay nila bilang mag-asawa."

"Tama po. Masayang-masaya ako para sa kanila."

"Masayang-masaya ka ba talaga, Anak?"

"Bakit naman po hindi ako sasaya?"

"Kasi alam naman nating hindi sayo napunta yung taong matagal mo nang mahal." Sagot ni Dad.

"Aminado po kong may parte parin sakin na nananatiling masakit dahil sa katotohanang hindi siya pwedeng maging sakin. Pero alam niyo po --- malaki ang pag-asa kong magiging masayang-masaya na rin ako."

"Huh? Talaga?"

"Noong araw ng kasal nila Dahyun at Nayeon, may isang employee si Momo at Tzuyu sa restaurant nila na nagserve din doon sa venue. Aksidente kaming nagkabungguan tapos natapunan niya yung damit ko ng drinks. Hindi ako makapaniwalang kamukha siya ni Dahyun. Akala ko talaga si Dahyun 'yon na nagpalit lang ng damit. Pinisil-pisil ko pa sa pisnge. Nagulat ako kasi bigla niya kong tinarayan. Hiyang-hiya ako nang malaman kong kamukha lang pala talaga ni Dahyun. Feeling close pa ko." Kwento ko sa kanila na natatawa sakin.

"Kahit ako maiinis kapag may hindi ako kakilalang biglang namisil sa pisnge ko, Anak. Hahaha." Natatawang sabi ni Dad sakin.

"Kaya pala parang nabadtrip sakin 'yung employee na 'yun. Sinabi pa niyang ayos lang na magsumbong ako kay Momo o Tzuyu dahil magreresign naman siya. Hindi daw siya papayag nang inaapi o ginaganon-ganon. Ang tapang!"

"Mukhang magkaiba ng ugali yung employee na 'yun at si Dahyun ah. Magkamukha pero hindi pareho ng ugali." Sabi naman ni Mom.

"Tama po kayo. Magkamukha talaga sila ni Dahyun."

"Baka naman ma-inlove ka doon dahil lang sa kamukha siya ni Dahyun pero kakaiba naman ang ugali."

"Hindi po ganun 'yung feeling ko eh. Magkamukha man sila, bonus na lang 'yon. Iba po talaga yung feeling ko sa employee na 'yun. Parang nacha-challenge akong makilala siya. Yung tipong gusto ko siyang kulitin. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman yung istorya ng buhay niya kung bakit ang sungit niya. Yung fact lang na dumating siya sa buhay ko noong mga panahong sa tingin ko ay wala nang pag-asa na may makilala pa kong magugustuhan ko. Kakaiba na talaga eh."

"So anong plano mo?" Sandali akong natigilan sa tanong nila Mom at Dad.

"Uhm. Balak ko siyang puntahan ngayon sa restaurant nila Momo."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon