66: Serious Conversation

400 19 1
                                    

Nayeon's Pov:

Nang dumating ako sa school, nakasabay ko papasok sa gate si Jeongyeon.

"Good morning, Nayeon. Musta na? Okay ka na?"

"Okay na naman ang pakiramdam ko."

"Tara. Sabay na tayong pumasok sa loob." Yakag niya.

"Wait! Hihintayin ko pa si Dahyun dito sa gate."

"Tsk. Kaya na ni Dahyun ang sarili niya. Let's go. Baka mastress ka pa kakahintay dito. Baka mabinat ka eh." Wala na kong nagawa dahil hinila na niya ko papasok sa school.

Sabay kaming naglakad sa hallway.

"Musta na kayo ni Dahyun?"

"Ayun. Hindi ko na nga nagawang tawagan o i-text kagabi kasi nagpahinga muna ako."

"Ganun ba? Mabuti naman."

"Anong mabuti naman?"

"Mabuti naman nakapagpahinga ka nang maayos." Ngumiti siya sakin.

"Miss na miss ko na nga si Dahyun eh."

"Tsk. Magpahinga ka muna nang mabuti bago mo alalahanin ang ibang bagay." Sambit niya kaya naman lumapit ako para guluhin ang buhok niya.

"Sira ulo ka talaga."

"Yah! Yung buhok ko." Sabi niya sabay ayos sa buhok niya.

"Im Nayeon." Napalingon ako sa kung sinong tumawag sakin. It's Sana.

"Oh. Hello, Sana."

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Heto gumaganda na."

"Mabuti kung ganon. Ngayon, pwede ka bang makausap?" Seryosong tanong niya.

"Si--Sige. Tungkol saan?"

"Ano 'yung paguusapan niyo?" Extra ni Jeongyeon.

"Gusto kitang makausap nang tayo lang. Kapag sinabing tayo lang, walang ibang extra." Sambit ni Sana sabay lingon kay Jeongyeon.

"O--Okay. Sige na. Let's go." Sabi ko na lang bago tuluyang iwan si Jeongyeon sa hallway para sundan si Sana sa tambayan namin kung saan makakapagusap kaming dalawa nang kami lang.

Ang weird niya ngayon. Napakaseryoso ng mukha.

"Sana. What's with that face? Anyare? Come on. Ngumiti ka naman. Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Masyado kang nagiging relax." Natigilan ako sa sinabi niya.

"What do you mean? Of course, marerelax talaga ako dahil sa magagandang bagay na meron ako ngayon." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil goodvibes ako.

"Hindi mo talaga naiintindihan, Nayeon. May mga bagay kang nakakalimutang gawin. May responsibilidad kang hindi mo nagagawa nang maayos." Dagdag niya kaya napaisip ako. Anong sinasabi niya?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon