Sana's Pov:
Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Kahit na nakaramdam ka ng sakit, pipiliin mo paring ipagsawalang bahala 'yun sa oras na iparamdam ulit sayo ng taong gusto mo na mahal na mahal ka niya.
Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Dahyun habang nasa tabi niya si Nayeon. Parang napawi lahat ng nakita kong lungkot sa mata niya. Napalitan yun ng kasabikan na mas mahalin pa si Nayeon.
Wala eh. Hindi ko kinaya kaya lumabas na muna ko ng classroom para magpahangin. Naisipan ko munang pumunta sa cr. Papunta na sana ako sa cr kaso narinig ko ang boses ni Jeongyeon.
Nagtago na muna ako sa isang gilid dahil narinig kong si Dahyun ang pinaguusapan nila ng kasama niyang classmate.
"Mas bagay naman kasi talaga kayo ni Nayeon kaysa sa Dahyun na 'yon." Rinig kong sabi ng classmate ni Jeongyeon.
"Of course. Sakin naman talaga siya nababagay. Sa tingin ko nga, nagugustuhan na ko ni Nayeon eh. Mas inuuna niya ko ngayon. Komportable siya sakin. Ipinapakita na niya ang soft side niya sakin. It's a good news, right?" Nakangiting sabi ni Jeongyeon.
Shit. So ito pala talaga ang tunay na kulay ni Jeongyeon. May masama siyang intensyon. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi parin siya nagbabago. All this time, may masama siyang plano. What the hell? Hindi pwedeng magtagumpay si Jeongyeon. Hindi ako papayag. No one can hurt Dahyun.
"Jisoo, hindi na ko makapaghintay na iwanan ni Nayeon si Dahyun. Excited na kong makita ang luhaan at talunang itsura ni Dahyun. Kawawa naman siya. Hahaha." Napatikhom ako ng kamao dahil sa mga sinabi ni Jeongyeon.
Hindi na ko nakatiis. Kailangang may gawin ako. Ayokong masaktan si Dahyun. Ayokong masira ang relasyon nila Nayeon at Dahyun. Bakit? Alam kong kay Nayeon siya masaya.
"May masama ka parin palang plano." Sambit ko kaya naman natigilan sila Jeongyeon.
"Oh----my god! Sa--Sana." Nauutal na sabi ni Jisoo.
"Masasama parin ang ugali niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi kayo dapat pagkatiwalaan."
"Look who's talking. Hindi ba't may masama ka ring plano?" Sabi ni Jeongyeon sakin sabay pamewang.
"What do you mean?"
"Kunwari ka pa. Huwag ka nang magmaang-maangan. Gusto mo rin namang makuha si Dahyun kay Nayeon eh. Diba? Bakit 'di na lang tayo magtulungan? Pareho tayong makikinabang." Nakangising sabi niya kaya napakunot-noo ako.
"Aminado akong gusto ko si Dahyun. Pero hindi ako katulad mo. Ibahin mo ko. Gusto ko siya pero hindi ako gagawa ng masama para lang mapunta siya sakin. Masaya ako sa kung saan siya masaya. I won't let you ruin her happiness." Inis kong sagot sa kanya.
"Tsk. Kawawa ka naman, Sana. Ikaw rin. May chance ka na para kunin si Dahyun eh. You can't stop me. Close na kami ni Nayeon. Nagtitiwala siya sakin. Mas paniniwalaan niya ko." Confident na sabi niya sakin kaya mas nainis ako.
"Mag-iingat ka sa mga binabalak mo. Akong makakalaban ni--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang biglang sumigaw si Jeongyeon.
"Nayeon!" Napalingon ako sa di kalayuan. Nakita ko si Nayeon na palapit na samin.
"Let's see kung kanino siya maniniwala." Sabi naman ni Jisoo.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
