14: Her Bright Smile

649 36 6
                                    

Sana's Pov:

Matapos ang araw kung saan nagkasama-sama kami nila Dahyun at ng mga kaibigan niya sa tambayan, nadalas na ang paguusap at pagsabay-sabay naming magrecess at maglunch.

Isang magandang balita 'yon. Bakit? Hindi ko rin alam eh. Pero iba talaga yung ingay at saya kapag kasama namin sila Dahyun.

Paulit-ulit sa pagtatalo sila Momo at Tzuyu pero dahil madalas magshare ng pagkain si Tzuyu kay Momo, nagkakabati din naman sila. Si Mina at Chaeyoung, ni-career na ang paglalaro ng games. Si Nayeon, hindi parin malaman kung bakit gigil na gigil kay Dahyun. Eh ni hindi na nga siya kinukulit ni Dahyun ngayon.

Sa mga oras na 'to, recess break namin. Nakatambay na kami sa tambayan pero hindi parin sumusulpot sila Dahyun, Chaeyoung at Tzuyu.

"Antagal naman ni Chaeyoung!" Sabi ni Mina. Aba. Himala. Hinahanap si Chaeyoung. Lumapit ako kay Mina na tahimik lang sa isang tabi.

"Oy! Miss mo na kaagad si Chaeyoung ah."

"Gague! Miss ka diyan! May kailangan lang kaming tapusin na game ngayon kaya hinihintay ko siya. Yun lang 'yon." Sagot ni Mina sakin kaya napangisi na lang ako.

"Antagal din ni Tzuyu. Nagugutom na ko eh. Ano kaya ang baon niyang foods ngayon?" Sabi naman ni Momo.

"Guys, Relax. Malay niyo naman natagalan lang sa pagpila sa canteen. Sabi sakin ni Dahyun kanina, pupunta daw sila dito." Sabi ko sa kanila.

"Mabuti nga na wala sila dito. Bwisit na Dahyun 'yon." Sabi ni Nayeon na mukhang mainit na naman ang ulo.

"Uy! Namimiss ni Nayeon si Dahyun." Biglang sabi ni Momo kaya napa-glare si Nayeon sa kanya.

"Bugbog, Gusto mo?" Nakakunot-noo na namang tanong ni Nayeon.

"Nayeon, Bakit ba inis na inis ka kay Dahyun? Hindi ka na naman niya ginugulo eh." Sambit naman ni Mina.

"Baka naiinis kasi hindi na nga siya kinukulit." Dagdag naman ni Momo.

"Paguntugin ko kayong dalawa diyan eh." Asar na sagot ni Dahyun.

"Nayeon, Relax. Kaibigan natin yung mga 'yon eh." Paalala ko sa kanya.

"Kaibigan? Ew! Kayo lang. Hindi ako!"

"Ikaw ang bahala." Sagot ko na lang sabay lingon-lingon sa paligid para alamin kung padating na sila Dahyun.

"Anyare sa tambayan natin? Diba tayo lang ang pwede dito. Diba hindi tayo makikipagusap sa iba. Tsk. Baliw na siguro kayo." Dagdag ni Nayeon.

"Mabait naman kasi sila Dahyun. Masaya silang kasama. Mas marami, mas masaya. Mas maingay, mas maganda." Paliwanag ko habang nakatingin kay Dahyun na padating na.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya sa di kalayuan na naglalakad palapit samin. Kumakaway-kaway pa siya. Why so cute, Dahyun?

"Hoy Sana! Ano bang nginingiti mo diyan?" Tanong nila Momo sakin.

"Nandiyan na sila." Masayang sagot ko kaya napalingon na rin sila Momo kila Dahyun na palapit na samin dala ang mga pagkain nila.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon