12: Cookies

588 26 1
                                        

Nayeon's Pov:

Maaga akong pumasok sa school dahil malamang magtatalo na naman ng umaga ang parents ko.

Pagparada ko palang ng motor sa parking area, nakita ko na si Dahyun na naglalakad papasok sa gate.

Nagmadali na kong tumakbo para alamin kung saan siya dederetsyo. Napansin ko naman na sa mismong classroom siya dumeretsyo.

Siya palang ang mag-isa sa loob kaya naman pumasok na rin ako. Nang magtagpo ang mata namin, hindi siya umimik. Akala ko dadaldal na kaagad siya. Anong meron? Bakit parang naging tahimik siya?

Lumakad-lakad ako sa loob ng classroom habang pasimpleng tinitingnan ang galawan niya.

Bigla siyang naglabas ng isang lunchbox, nakita kong may mga cookies na nakalagay. Bigla tuloy akong nagutom. Kainis.

Para kanino kaya 'yun? Tinikman niya yung isang piraso ng cookies tapos bigla siyang napangiti. Bakit kaya?

"Perfect" Rinig kong mahinang pagkakasabi niya habang nakamasid ako sa kanya.

Nang lumingon siya sakin, agad akong napatalikod. Muntik na ko dun ah. Baka isipin pa niya may gusto ako sa kanya kaya tinitingnan ko siya. Tsk. Never na mangyayari 'yon. Feeling lang niya 'yon.

Naupo na ko sa upuan ko't nanahimik na lang habang hinihintay ang pagdating nila Momo.

"Im Nayeon." Rinig kong tawag ng bwisit na si Dahyun sakin. Sabi ko na nga ba eh. Hindi niya ko matitiis daldalin.

"Bakit?!" Kunot-noong tanong ko sabay lingon sa kanya. Nagulat na lang ako nang malamang nakatayo na pala siya sa likuran ko. Shet. Kabilis naman nitong kumilos.

"Here." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko para iabot sakin ang isang band-aid.

"Anong gagawin ko dito?"

"Para sa sugat mo." Seryosong pagkakasabi niya.

"Di ko kailangan niyan. Di ko kailangan ng tulong mo." Ibinalik ko sa kanya yung band-aid.

"Okay." Sagot niya sabay balik na sa upuan niya. Yun na 'yon? Hindi niya ko pipilitin? Hindi niya ko kukulitin hanggang sa tanggapin ko yung band-aid? Weird.

"Mukhang sinipag ka magbake ng cookies ah." Sambit ko habang nakaupo sa pwesto ko.

"Ganun talaga. Sisipagin ka kapag para sa mga mahahalagang tao ang ginagawa mo." Sagot niya sakin kaya naman tumayo na ko't lumapit sa kanya.

"Fine. I'll accept it." Sagot ko sa kanya dahil alam ko namang para sakin 'yon. I'm sure na iaalok na naman niya sakin 'yan mamaya. Since gutom ako, ngayon ko na tatanggapin. Gagawin talaga ng babaeng 'to ang lahat para lang magpapansin sakin. Kawawa naman.

"Huh? Di naman para sayo 'to." Seryosong pagkakasabi niya kaya natigilan ako.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Para 'to sa mga kaibigan ko at magiging kaibigan ko. Diba hindi naman tayo magkaibigan. Sorry, hindi para sayo 'to eh." Kalmadong pagkakasagot niya sabay ayos sa gamit niya.

Nakaramdam ako ng pagkaasar sa way ng pagkakasabi niya. Bwisit na Kim Dahyun 'to. Parang kailan lang nangungulit siya sakin tapos ngayon, parang wala siyang gana na kulitin ako. Gaguehan? Pinagtitripan ba niya ko?

"Eh di wag! Kala mo. Kayang-kaya kong bumili ng maraming ganyan." Inis na sabi ko.

"Mabuti pa nga. Bumili ka na lang." Muling sagot niya kaya mas nainis ako.

"Bahala ka diyan!" Bumalik na lang ako sa upuan ko't nanahimik. Kainis. Parang ewan!

Maya-maya, dumating na yung mga kaibigan niyang sila Tzuyu at Chaeyoung.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon