10: Following Her

642 40 1
                                    

Nayeon's Pov:

Nang umuwi ako sa bahay, nadatnan kong mag-isa si Dad sa living room habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito? Nagbulakbol ka na naman!" Sambit ni Dad kaya natigilan ako sa paglalakad pataas sa hagdan papunta sa kwarto ko.

"Pagod po ako." Lalakad na sana ako pataas kaso hindi ko nagustuhan yung isinagot niya.

"Ipagpapatuloy mo na naman ba ang pagiging walang kwentang anak?! Sayang lang ang pinapaaral sayo. Mas mabuti na lang siguro na mag-ampon kami ng Mom mo!" Galit na sabi ni Dad sakin.

"Bakit pa po kayo magaampon? Pwede niyo namang anakan yung mga babae niyo eh." Seryosong sabi ko kay Dad.

"Anong sinabi mo?!" Bigla siyang tumayo't lumapit sakin.

"Anakan niyo na lang yung mga babae niyo para may silbi naman sila sa buhay niyo!" Sa mabilis na segundo, nagawa akong suntukin ng Dad ko dahilan para matumba ako sa sahig.

"Wala ka talagang utang na loob! Sana hindi ka na lang namin naging anak!" Sigaw niya habang dinuduro ako.

"Sana hindi niyo na nga lang ako naging anak. Sana hindi na lang ako ipinanganak sa mundong 'to. Ganitong pamilya lang din naman ang makakasama ko. Nakakapagod na!" Namumuo ang luha ko sa mata habang nagsasalita.

"Hindi ka na nagbago!" Sigaw ni Dad.

"Hindi ka na rin po nagbago!" Sagot ko sabay lakad na ulit paalis ng bahay. Nagkamali ako ng desisyong umuwi ng maaga. Maling-mali.

Sumakay na ulit ako ng motor at humarurot paalis. Kung saan-saan muna ko tumambay habang nagpapalipas ng oras.

Nang makita ko ang oras, naalala kong uwian na nga pala namin ngayon kung pumasok ako.

Seriously, mas gusto ko munang makigimik kasama sila Momo kaysa magstay sa bahay ngayon. Nagdesisyon na kong pumunta sa school kaso halos wala nang estudyante. Naguuwian na silang lahat. Wala na rin ang sasakyan nila Mina at Momo. Pero napansin kong hindi parin umaalis si Sana.

Naalala ko yung nangyari kanina. Masyado pala akong nadala ng emosyon ko. Pati ang kaibigan kong si Sana nadamay sa init ng ulo ko. Kahit naman nagtalo kami, kaibigan ko parin siya eh.

Nagmadali na kong naglakad papasok sa school para hanapin kung nasaan si Sana. Nang makita ko siya, akma ko na sana siyang lalapitan kaso nakita kong may kausap siya.

Walang iba kundi ang bwisit na si Dahyun. Close na ba sila? Anong pinaguusapan nila? Bigla akong nacurious kaya naman nagtago ako sa isang sulok at pinakinggan ang usapan nila.

Nalaman ko kung anong topic nila. Kabaliwan! Ako? Gustong tulungan ng bwisit na si Dahyun? Imposible! Malamang may kailangan 'yan sakin kaya nagpupumilit na mapalapit.

Ngayon, si Sana naman ang target niya. Wala talagang pinapalagpas ang babaeng 'to. Ang lakas ng loob niyang sabihin na ayos lang sa kanya kung ayaw ko talaga siyang maging kaibigan pero kung makapangulit sakin, wagas na wagas.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Sana. What? Gusto ni Sana makipagkaibigan kay Dahyun? Yung totoo? Ang weird ni Sana ngayon. Anong trip niya't naisipan niyang makipagusap at makipagkaibigan sa isang tulad ni Dahyun na walang ginawa kundi mambuwisit?

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon