"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon
"You're the one who ruined everything." - Dahyun
My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you.
Date Started: August 05, 2018
Date Completed: January 09, 2019
Nakasakay na ko sa motor pauwi sa bahay nang biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kaninang umaga.
Parang lumilipad ang isip ko kanina. Nag-aalala ako na malaman ng lahat yung pag-iyak ko sa harapan ni Dahyun. Why? Para sakin kahinaan ang pag-iyak. All this time, ginawa ko ang best ko para manatiling matatag kahit na nasasaktan ako deep inside.
Pero nang tanungin ni Sana kung totoo ang nalaman nila, ni hindi ako nagdalawang isip na sabihing totoo 'yun. Ang gulo, diba?
Sabihin na nating ayos lang saking malaman ng lahat na kasama ko si Dahyun. That's it. Hindi talaga ibig sabihin na ayaw kong malaman nila ay ikinahihiya ko si Dahyun kundi dahil ikinahihiya kong magpakita ng weakness.
Nakakagulat man, wala eh. Yun talaga ang totoo. For some reason, hindi ko pinagsisisihang nangyari ang moment na 'yun sa pagitan naming dalawa.
Sa katunayan, aminado kong dapat akong magpasalamat kay Dahyun at sa Mama niya dahil sa pagwelcome nila sakin sa bahay nila. Inaamin kong nakakaramdam ako ng saya sa tuwing pumupunta ko sa kanila.
Nakikita ko yung magandang bond na meron si Dahyun at ang mama niya. Nakakainggit nga eh. Ganung klaseng bond kasi ang hindi namin magawa ng magulang ko.
Nakaisip ako ng magandang idea. What if bumisita ulit ako sa kanila ngayon? Magiging masaya 'yun. Lumiko ako pabalik sa direksyon papunta kila Dahyun.
Sakto namang may nadaanan akong store ng stuffed toys. Biglang bumalik sa isip ko ang naikwento ng mama ni Dahyun. Mahilig daw si Dahyun sa cute stuffs.
Ihininto ko ang motor para pumasok sa store na 'yun. I'm sure magugustuhan niya ang mga stuffed toys na nakikita kong ibinebenta. Wala namang masama kung ibili ko siya nito, diba? Pasasalamat lang 'to sa warm welcome nila sakin.
Agad na kong pumili ng cute na stuffed toy. Color Pink ang pinili ko. Bagay na bagay 'to sa madaldal na 'yon. Pwedeng ito na lang ang daldalin niya kaysa ako.
Nang mabili ko na ang pink na stuffed toy, bigla akong kinausap nung matandang babae na may ari pala ng store.
"Congratulations! Dahil ikaw ang pang-100 na customer namin ngayong araw. Meron kang free couple bracelet. Tamang-tama para sa inyo ng jowa mo." Nakangiting sabi ng matandang babae na may ari ng store.
"Po? Ako po?"
"Yes. Magandang regalo rin ang couple bracelet na nakuha mo para sa inyo ng jowa mo. Congrats." Dagdag niya.
"Wa--Wala po kong jowa."
"Eh, Para kanino ang binili mong stuffed toy? Mukhang special ang taong pagbibigyan mo." Masayang tanong niya.
"Sa kai---kaibigan ko po."
"Kaibigan o kai-bigan?" Grabehan si Lola. Pinagtitripan ata ako.
"Kaibigan po. Salamat po."
"You're Welcome. Balik ka dito. Mabuting isama mo yang kai-bigan mo. Sa Park ako noon nagtitinda ng bracelet pero napagdesisyonan ng mga anak kong ikuha ako ng pwesto dito." Kwento pa niya.
"Si---Sige po." Antaray naman ni Lola. May pagganon pa. Nalaman ko na bagong open lang pala ang store na 'to kaya may mga promo sila. Hindi lang pala stuffed toys ang tinda nila. Meron din silang couple bracelets.
Nang lumabas ako sa store, pinagmasdan ko yung couple bracelet na ibinigay ni Lola sakin.
Anong gagawin ko dito? Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko kay Dahyun 'yung isa. Itatago ko na lang 'yung isa. Tama!
Sumakay na ko sa motor para pumunta kila Dahyun. Nang dumating ako sa kanila, papasok palang ako sa karinderya nila nang makita ko si Sana kasama si Dahyun.
Anong ginagawa ni Sana dito? Nagtago ako sa isang tabi para pagmasdan sila. Tsk! So, trip na rin ni Sana na tumambay dito?
Nakita kong tawa sila nang tawa ni Dahyun. Mukhang tuwang-tuwa sila sa isa't-isa ah. Maya-maya, sumulpot na ang mama ni Dahyun. Mukhang magkasundo na sila ng mama ni Dahyun.
Minatozaki Sana, Ginagawa mo na ba ang first move mo? Aish. Nawalan na tuloy ako nang gana na makitambay ngayon dito. Mukhang bawal silang istorbohin eh.
Napatingin na lang ako sa hawak kong stuffed toy at bracelet.
"Bwisit!" Bumalik na lang ako sa pinagparking-an ko ng motor para umuwi sa bahay dala ang mga dapat na ibibigay kong pasasalamat kay Dahyun.
Nang umuwi ako sa bahay, wala pa sila mom and dad kaya payapa akong nakarating sa kwarto.
Nahiga na muna ko sa kama para magpahinga. Hinagis ko sa isang tabi yung stuffed toy at couple bracelet.
Hindi mawala sa isip ko yung naabutan ko kanina.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bwisit ka, Kim Dahyun!" Napasigaw na lang ako sabay taklubong ng unan sa mukha dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Nababaliw na ba ko? Eh, Ano ngayon kung ang saya-saya nila kanina? Tsk.
❤To Be Continued❤
A/N: Jelly Jelly po si Nayeon. Hahahahaha. Asensado na po si Lola 👏😂 Lol