Dahyun's Pov:
"Finally, we're here." Rinig kong excited na sabi ni Nayeon nang marating na naming muli ang beach resort nila Sana.
"Let's go!" Ibinaba na namin ni Nayeon sa van ang mga gamit na dalahin namin.
Sandali akong napalingon sa paligid. Nakakamiss ang lugar na 'to.
"May problema ba?"
"Wala naman. Namiss ko lang talagang pumunta dito." Napangiti na lang ako kay Nayeon.
"Ganun ba? Huwag kang mag-alala. Marami pa tayong ala-ala na magagawa sa lugar na 'to. Sa ngayon, dalhin na muna natin ang mga gamit sa villa na tutuluyan natin." Sumang-ayon na lang ako kay Nayeon.
Matapos naming maisaayos ang mga gamit, nanatili muna ako sa balcony para pagmasdan ang paligid habang umiinom ng tea.
"Masaya akong nagawan ni Sana ng paraan na tayo lang ang maninirahan sa lugar na 'to sa isang buong linggo." Sambit ni Nayeon sabay upo sa upuan sa tabi ko.
"Marami rin talagang nagawang kabutihan si Sana satin."
"As in sobrang dami. Mabuti nga't nagtagpo ang landas nila ni Diane. I'm so happy for them. Saka kampante na rin akong wala akong kaagaw." Napatingin ako kay Nayeon na napapangiti pa.
"Sira ka talaga, Nayeon. Kahit wala naman si Diane, hindi naman tayo guguluhin ni Sana."
"Alam ko naman 'yun. Nagjo-joke lang ako eh. Hahaha."
"Ikaw kasi, baliw."
"Baliw na baliw sayo." Banat niya kaya hinampas ko siya nang slight sa braso.
"Sinasabi mo?"
"Isa pa, mabuti hindi sumama yung mga gague. Nako, kung sumama yung mga 'yon malamang sirang-sira ang bakasyon nating 'to."
"Napakaharsh mo kila Momo."
"Kasi naman, hindi ko parin nakakalimutan yung araw na nagpropose ako sayo. Muntikan ka pang mamatay sa kalokohan ni Momo."
"Uhm. Aaminin ko, muntik na talaga ako doon. Kung hindi mo ko napigilan, malamang nalunok ko na yung singsing na nakatago sa cupcake. Hahaha."
"Diba? Kalokohan talaga eh. Ikakasal pa ko nang wala ang pakakasalan ko. Tsk. Mabuti na lang magaling ako." Proud na proud pa siya.
"May initulong din naman yung mga 'yon sa mga pakulo mo. Sira ka talaga."
"Ganun na nga. Maswerte parin tayo dahil may mga kaibigan tayong katulad nila." Natatawang sagot ni Nayeon sakin.
"Sila na lang ba ang paguusapan natin sa buong bakasyon na'to?"
"Aba. Nagtatampo ata ang baby ko." Sweet na pagkakasabi niya sabay pinch sa cheeks ko.
"Pagusapan naman kasi natin yung mga moments nating dalawa."
"Fine. Inaamin ko na noong unang beses mo kong kausapin, nakakairita ka talaga. As in. Napakadaldal mo."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
