Nayeon's Pov:
Habang nagmamaneho ng kotse, hindi ko mapigilang isipin kung bakit ba humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat.
Bakit dumating sa sitwasyong kasama ko yung taong kinabubwisitan ko? Parang kahapon lang ni ayoko siyang makita, tapos ngayon niyaya ko pa siyang magpunta sa kung saan.
Sa totoo, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta eh. Nakakabaliw diba? Sinabi ko sa kanyang may lakad kami pero ang totoo, gusto ko lang talaga siyang makasama.
Alam kong ang weird nitong sinasabi ko. Wala na kong maisip na ibang paraan nung marinig ko nang yayayain ni Sana si Dahyun sa kung saan. Since hindi ko parin naitatanong sa kanya yung tanong ko, bakit 'di na lang sa lakad naming 'to?
Sana naman wala nang sagabal ngayon. Kaya ko 'to. Magagawa ko ring itanong sa kanya ang pinakaweird na tanong na itatanong ko sa buong buhay ko. Nakakaloka.
"Nayeon, Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya na nakaupo sa passenger seat.
"Hindi ko rin alam eh." Pag-amin ko sa kanya.
"Ano? Hindi mo alam? Sabi mo may lakad tayo. Bakit 'di mo alam kung saan tayo pupunta?" Gulat niyang tanong.
Ihininto ko muna yung kotse sa isang tabi para makausap siya nang maayos.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Kalmadong tanong ko kaya natigilan siya.
"Huh? Ba--Bakit natanong mo?"
"Basta, sumagot ka na lang."
"Kahit saan."
"Talaga? Kahit saan? Kung kahit saan, ako nang magdedecide."
"Sige. Ikaw ang bahala. Maguusap lang naman tayo sa kung anong bagay tapos uuwi na ko."
"Uuwi ka na agad?"
"O--Oo. Diba may itatanong ka lang. Pwede na kong umuwi pagkatapos." Sambit niya kaya napakamot-ulo ako.
"Aish. Sayang naman ang porma mo kung hindi ka magiistay nang matagal sa tabi ko ngayong araw na 'to." Napatingin ako sa itsura niya. Hindi na masama. May ilalaban naman pala 'tong bwisit na 'to pagdating sa pagandahan. Aminado ko 'dun.
Kahit simpleng porma, bagay sa kanya.
"What do you mean?" Tanong niya sakin.
"What I'm trying to say is ---- huwag ka munang umuwi. Samahan mo muna ko kung saan man tayo pupunta. Pwede ba 'yun?" Hindi ko rin alam kung bakit nagagawa kong itanong sa kanya 'yan.
"O---Okay. Don't worry, nagets ko na. Sige. Magistay muna ko sa tabi mo."
"Good. Mabuti pa ituloy na natin ang biyahe." Akma na sana akong hahawak sa manibela nang magsalita na naman siya.
"Pero bakit ako ang gusto mong magstay sa tabi mo? Pwede namang tawagan mo sila Chaeyoung."
"Nako! Malamang busy ang mga 'yon sa kanya-kanyang trip nila. Isa pa, ikaw talaga yung gusto kong makasama ngayon."
"Pero diba bwisit na bwisit ka sakin?"
"Tama, nakakabuwisit ka talaga. Ewan ko ba kung bakit nakakainis ka. Kahit ngayon nakakainis ka."
"Huh? Wala naman akong ginagawang panggugulo sayo ngayon ah." Depensa niya kaya medyo natawa ko.
"Nakakabuwisit ka kasi. You're making me crazy. Dapat iwas na iwas ako sayo eh pero parang mas trip kong makasama ka. Nakakainis talaga." Paliwanag ko sa kanya kaya naman napatahimik na lang siya.
Dahil tahimik na siya, nagsimula na ulit kaming bumiyahe. Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. Makalipas ang ilang minutong biyahe, sa wakas narating din namin.
Tumambad sa harapan ni Dahyun ang isang magandang seaside na alam kong magandang tambayan.
"Woah! Ang ganda naman dito." Manghang sabi ni Dahyun habang pimagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat.
Bumaba na rin ako ng kotse't pumuwesto na lang sa isang sulok habang abala si Dahyun sa pag-appreciate sa magandang view sa paligid niya.
Pinagmasdan ko na lang siya na parang sabik na sabik na bata sa mga nakikita niya. Medyo napangiti ako dahil sa cuteness na ginagawa niya. Seriously? Ngayon lang ba siya nakakita ng dagat?
Biglang humangin nang malakas, hinangin ang magandang buhok niya. Kakaiba rin pala ang side profile ng isang 'to. Pamatay na side profile eh.
"Ano nga pala yung tanong mo?" Natauhan na lang ako nang tumingin siya sakin para magtanong.
"Ah---Mamaya na lang."
"Ngayon na. Pwede namang now na."
"Fine. Mangako kang hindi mo ko tatawanan!"
"Bakit ako tatawa? Pangako! Hindi ako tatawa sayo."
"Siguraduhin mo lang!" Banta ko sa kanya. Binigyan lang niya ko ng isang magandang ngiti.
"Kim Dahyun, Pwede ba tayong maging magkaibi----" Aish. Nahihirapan parin akong ituloy 'to.
"Ano 'yun?" Seryosong tanong niya.
"Wag na nga lang."
"Huh? Sige na! Sabihin mo na. Pangako, hindi kita pagtatawanan."
"Dapat ba kong magtiwala sa pangako mo?"
"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Pwede kang magtiwala sakin gaya ng pagiyak mo sa harapan ko. Pwede ring hindi kung ayaw mo talaga."
Hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil sa sinabi niya. Ipinaalala na naman sakin yung nangyari.
"Aish. Fine! Sasabihin ko na."
"Hehe. Sige na. Sasagutin ko ang tanong mo." Aish. Tama na ngang kakahesitate sa pagtanong. Wala namang masama sa itatanong ko eh. Wala namang ibang meaning 'to.
"Kim Dahyun, Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Finally, nagawa ko rin.
Bigla siyang nanahimik sa tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba sa isasagot niya.
"So----ano na?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Nanlaki na lang ang mata ko nang bigla siyang lumapit sakin para bigyan ako ng isang yakap.
"More than yes." Pabulong na sagot niya habanv kayakap ako. Omg. Anong ibig sabihin nito? Magkaibigan na kaming dalawa?
"Ta---Talaga?"
"Alam mo ba kung gaano katagal ko hinintay ang pagkakataon na maging kaibigan mo?" Nakangiting tanong niya.
"Wala akong pakialam." Seryosong sagot ko na lang sa kanya.
"I'm so happy! Friends na tayo." Cheerful na pagkakasabi ni Dahyun sakin kaya medyo napangiti na lang ako dahil sa kabaliwan niya.
❤To Be Continued❤
A/N: Sorry sa slow ud. Hahahaha. Antok na ko 'yan muna lol. Fighting!
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
