Nayeon's Pov:
Mabuti na lang umabot ako. Sa totoo, narinig ko nang maguwian na naguusap yung mga walanghiyang estudyante ng kabilang section sa pinaplano nila kay Dahyun.
"Hindi pa nakakauwi si Kim Dahyun."
"Anong gagawin natin?"
"Abangan natin mamaya."
"Turuan natin ng leksyon. Kabago-bago niya sa school na 'to. Iniisa-isa na ang mga sikat na estudyante sa school natin."
"Siguro kaya lumipat ng school. Siguro napatalsik sa school niya dati dahil sa kalandian."
Lalapitan ko na sana yung mga estudyanteng nagchichismisan tungkol kay Dahyun pero natigilan ako.
Bakit naman ako mangingialam? Wala naman akong pakialam sa Dahyun na 'yun eh. Hindi ko naman siya kaano-ano.
"Tsk. Bahala siya sa buhay niya." Sambit ko na lang sabay lakad na papuntang parking area para kunin ang motor ko.
Uuwi na lang ako nang maaga total gabi pa naman ang uwi ng magulang kong mahilig magtalo.
Habang naglalakad ako papunta sa parking area, hindi mawala sa isipan ko yung ikinuwento ni Sana noon na nabully na si Dahyun ng mga salbaheng estudyante pero parang wala lang kay Dahyun. Nakangiti parin siya.
Napaisip tuloy ako, kung maulit kaya 'yon sa kanya---nakangiti parin ba siya?
Aish. Dapat lang naman kasi sa kanya 'yon. Panggulo lang naman siya sa buhay ko eh. Pero bakit ganito? Hindi ko mai-explain yung nararamdaman ko.
Paano kung pagtulungan siya ng mga 'yon? Seriously? Galit sila kay Dahyun dahil inaakala nilang malandi ito? Sa pagkakakilala ko sa madaldal na 'yon, hindi siya ganung klase ng tao.
Maaaring bwisit nga siya sa buhay ko pero alam kong hindi siya malandi. Ay! Ewan ko ba. Basta napasok lang sa utak ko 'yon. Ano bang dapat kong gawin? Should I help her?
Wala naman akong reason para tulungan siya eh. We're not even friends.
Nang malapit na ko sa parking area, naglalaban ang thoughts sa isipan ko.
"Aish! Kim Dahyun. Bwisit ka talaga!" Sigaw ko na lang dahil sa inis sa nangyayari sakin. Nagmadali na kong tumakbo pabalik. Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko 'to pero palagay ko kailangan talaga niya ng tulong.
Hindi ko na makita yung nga estudyante kanina sa pwesto nila kaya nagtatakbo ko sa bawat paligid ng school hanggang sa matunton ko kung nasaan sila. Nakarinig ako ng ingay at sigawan ng mga babae. Malamang sila na 'yon.
Nang makita ko sila, huli na. Sinisimulan na siyang pagtulungan ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay. Nakita ko si Dahyun na nakaupo sa sahig habang gulo-gulo na ang buhok. Pinagtulungan talaga siya. Tsk.
Nakaramdam ako ng sobrang inis nang makita kung anong ginawa nila kay Dahyun kaya sinigawan ko na sila. Napakawalang kwenta naman ng dahilan nila kaya binully nila si Dahyun.
Nang magsitakbuhan sila, lumapit na ko kay Dahyun na nahihilo-hilo pa. May mga sugat at pasa siya. Gusot na gusot rin ang uniform niya. Pinagkamalan pa kong si Sana. Aish.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfiction"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019