3: Friendly

858 41 3
                                        

Dahyun's Pov:

Sinamahan ako nila Chaeyoung at Tzuyu na maglibot-libot muna sa loob ng school habang hindi pa nagtatime.

"Kaming bahala sayo dito, Dahyun." Sabi ni Tzuyu sabay akbay sa balikat ko.

"Excited na ko. Kakaibigan ko lahat ng classmates natin." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Nako. Hindi magandang idea 'yan." Seryosong sagot ni Tzuyu.

"Bakit naman? Tama lang naman na makipagkaibigan ako sa classmates natin. Transfer ako diba. Friendly naman ako. Don't worry, Guys."

"Ayan ka na naman, Dahyun. Kabait-bait na bata talaga nito." Sabi ni Chaeyoung sabay gulo sa buhok ko.

"Siguro naman mabait din ang mga classmates natin. Magkakakilala na kayong lahat sa section natin since 1st year palang classmates na kayo. Diba?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman. Ikaw lang 'tong bagong student sa section namin eh. Malabong maging kaibigan mo lahat sa section natin." Dagdag ni Chaeyoung.

"Bakit naman? May problema ba?"

"Meron kasi tayong sigang mga classmates. Walang sinoman ang sumusubok na manggulo sa sariling mundo nila. Kaya mas mabuti kung iiwas tayo sa grupo nila." Paliwanag nila.

"Guys! Baka naman nahihiya lang sila na makipagkaibigan. Malay niyo makasundo ko sila."

"Nako! Nahihiya? Eh, troublemakers ang mga 'yun sa grupo nila. Basta! Huwag na lang tayong makigulo sa mga taong nagkakandarapa para sa atensyon nila. Sikat na sikat kasi ang apat na 'yun. Mula sa mayamang pamilya. Masasabi ring nakamamangha ang mga itsura nila. Yun nga lang, masasama ang mga ugali." Kwento ni Tzuyu.

"Ganun? Di bale, naniniwala naman akong balang araw magbabago rin sila. Kung masasama ugali nila ngayon, may pag-asa pa para magbago." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Seriously? Hindi ka parin nagbabago, Dahyun. Masyado ka paring mabait. Maging selfish ka naman kahit konti." Sabi nila kaya napailing na lang ako't lumakad na kami.

Nakucurious tuloy ako kung sino yung apat na tinutukoy nila Chaeyoung.

Nang dumating kami sa classroom namin, natigilan kami sa naabutan namin. Naglilinis mag-isa yung janitor sa loob.

"Hello po, Mang Jinyoung." Bati nila Chaeyoung at Tzuyu.

"Oh. Kumusta ang bakasyon niyo? Graduating na kayo ngayong taon. Congrats!" Nakangiting sabi ng janitor kahit na pawis na pawis na siya kakalinis.

"Ngayon lang po kayo maglilinis?" Tanong ni Tzuyu.

"Nakapaglinis na ko dito kanina. Nagulat nga ko eh. Marami na namang kalat." Patuloy na nagwawalis ang janitor na si Mang Jinyoung.

"Malamang kagagawan na naman 'to nung apat na walang magawa sa buhay." Sabi ni Chaeyoung sabay kunot-noo.

"Naisip ko rin 'yan eh. Pero wala naman akong magagawa. Binabayaran naman ako. Trabaho kong maglinis dito. Ayos lang."

"Pero hindi po tama na ginagawa nila 'yun? 1st year palang ganyan na ang grupo nila. Aish. Nakakainis." Gigil na sabi ni Tzuyu. Siguro pinaguusapan nila yung apat na kinukwento nila sakin kanina.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon