6: Sandwich

717 40 0
                                        

Nayeon's Pov:

Nang umuwi ako sa bahay galing sa school, naabutan kong nagtatalo na naman sina Mom and Dad.

"Kailan ka ba magtitino?!" Rinig kong sigaw ni Mom kay Dad.

"Sinabi ko na sayong wala kaming relasyon ng babaeng tinutukoy mo!" Sagot naman ni Dad.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Mom sabay hampas kay Dad.

Lumakad na lang ako pataas sa hagdan. Kaso bigla akong napahinto sa pagtawag ni Dad.

"Nayeon! Ikaw na ngang magsabi sa Mom mo na wala akong babae." Sabi ni Dad sakin kaya naman napalingon ako sa kanya.

Sandali akong natigilan habang nagaabang sila sa sasabihin ko.

"Hindi ko po alam. Wala po akong alam diyan sa pinagaawayan niyo." Seryosong sagot ko sa kanila.

"Ano? Bakit 'di mo sabihin sa Mom mo ang katotohanan? Wala akong babae!" Sambit ni Dad.

"Dad, Gusto mo ba talagang sabihin ko sa kanya yung katotohanan? Baka magsisi po kayo." Kalmadong sagot ko.

"A--Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dad.

"Mas mabuting sabihin ko na lang na wala akong alam kaysa ibunyag ang katotohanan. Diba mas magandang ganun? Kasi kung sasabihin niyong sabihin ko ang katotohanan, sasabihin ko talaga." Paliwanag ko.

Gusto pa kong pagsinungalingin ng Dad ko kay Mom. Ayokong magsinungaling kay Mom. Lalo pa't alam kong totoo namang babaero si Dad. Masasaktan si Mom. Alam kong hindi ko rin masyadong kasundo ang Mom ko, pero Mom ko parin siya. Hindi ko gustong masaktan siya.

"Gusto mo pang idamay ang anak mo sa kalokohan mo! Ano? Pipilitin mo na naman ang anak mo na kumbinsihin akong wala kang babae? Anong klaseng ama ka?!" Galit na sabi ni Mom kay Dad.

"Pwede ba? Tumigil ka na. Nakakarindi ka na!" Sigaw ni Dad kay Mom.

Napailing na lang ako't pumasok na sa kwarto. Palagi na lang bang ganito? Araw-araw silang mag-aaway? Nakakapagod na.

Dumadating sa puntong gusto ko na lang na manahimik at mag-isa kaysa makigulo sa walang sawang pagtatalo nila.

Nahiga na lang ako sa kama't nagsimula na lang maglaro ng mobile legends. Idinadaan ko na lang sa paglalaro ang inis na nararamdaman ko sa nangyayari sa buhay ko.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ko, biglang tumawag si Momo. Shet. Ranked Game pa naman 'yon. Nagla-lag ako. Wala akong choice kundi sagutin ang tawag ng bwisit kong kaibigan.

On the Phone:

"Ano ba 'yon? Naglalaro ako ng mobile legends eh!"

"Sungit naman nito. Gimik tayo mamaya?" Tanong niya sakin.

"Pagod ako. Gusto ko na lang magpahinga."

"Ayyy. Basag trip naman 'to. Sige na. Sumama ka na samin mamaya. Maghahanap tayo ng magagandang babae mamaya." Yakag ni Momo.

"Wala akong pakialam sa magagandang babae. Ayokong tumulad sa Dad ko na babaero!"

"Ay. May pa ganon? Tell me, nagtatalo na naman ang parents mo noh." Dagdag niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon