29: You're Cute

567 26 4
                                    

Dahyun's Pov:

Gabing-gabi na pero hindi parin ako mapakali sa kakaisip kung ano bang paguusapan at gagawin namin ni Nayeon sa lakad namin bukas.

Gaano ba ka-private ang paguusapan namin kaya ipinagpabukas pa niya? Hindi ko maiwasang mapaisip eh.

Saka, yung "Ano sa tingin niyo?" niya sa school kanina. Anong klaseng sagot 'yun sa tanong kung date ba o hindi ang lakad namin bukas? Nakakabaliw na talaga.

Nakahiga lang ako sa kama't nagmumuni-muni nang biglang kumatok si mama sa pinto.

"Anak, Gising ka pa ba?"

"Yes po. Pasok po kayo." Agad rin namang pumasok sa loob si mama.

"Gising ka pa pala. Bakit 'di ka pa natutulog?" Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"Ma, Can I ask you something?"

"Oo naman. Ano 'yun?"

"Niyayaya po kasi akong lumabas ni Nayeon bukas. Dapat po bang pumayag ako?"

"Talaga? Bakit hindi? Desisyon mo 'yan, Anak. Hindi naman kita paghihigpitan kung makikipagdate ka dahil parte yan ng pagiging dalaga. And, may tiwala naman ako sayo at mukhang mabait naman si Nayeon."

"Hindi po date 'yun. Kumbaga, may lakad lang daw po kami bukas. May mga paguusapan daw po kami."

"Ganun ba? Sa palagay ko, date 'yun. Lalabas kayo para magusap sa bagay-bagay?"

"May itatanong daw po kasi siya sakin bukas."

"Malamang tatanungin nun kung pwede kang ligawan. Huwag kang mag-alala, Anak. Hindi kita pagbabawalan. Alam kong alam mo naman kung hanggang saan ang limitations mo eh."

"Mama naman eh ~ Wala pong namamagitan saming dalawa ni Nayeon. Siguro naman po hindi 'yun ang tanong niya. Baka hihingi lang po ng advice o tulong sa problema niya. Wala naman po siyang sinabing date 'yon."

"Sige na. Eh, May isusuot ka na ba?"

"Po? Kahit ano na lang po."

"Anak, Special ang araw mo bukas. Bakit hindi ka mag-ayos? Alam ko na, tutulungan kitang mamili ng isusuot mo."

"No need, Mama. May mga paguusapan lang naman po kami bukas."

"Ano ka ba, Anak? Ipapakita natin kay Nayeon kung gaano ka kaganda. Malay mo mamangha sa ganda mo. Ikaw pa? Ikaw ang pinakamaganda sa buong mundo para sakin." Pinisil pa ni mama ang pisnge ko.

"Thanks, Ma. I love you."

"I love you too, Anak. Sige na. Magayos na tayo ng susuutin mo bukas. Magbistida ka kaya?"

"Ma ~ Ayoko. Nakakahiya."

Kinabukasan, maaga akong gumising para mag-ayos ng sarili. Ewan ko ba kung bakit parang excited na excited si mama eh maguusap lang naman kami ni Nayeon. Pwede ngang dito na lang sa bahay kami magusap eh.

Ewan ko ba kay Nayeon kung bakit gustong sa ibang lugar pa. Makalipas ang ilang oras, pinuntahan na ko ni mama sa kwarto.

"Dahyun, Nandito na si Nayeon."

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon