Dahyun's Pov:
"Where's Nayeon?" Tanong ni Sana sakin nang bumalik ako sa classroom matapos kumain ng lunch kasama si Nayeon kanina.
"Pumunta sa classroom nila Jeongyeon. Nakikipagkwentuhan lang." Sagot ko sa kanya.
"Nadadalas ata ang pakikipagkwentuhan ni Nayeon kay Jeongyeon." Extra ni Mina.
"Tama! Hindi lang nadadalas. Halos araw-araw nagkakausap 'yung dalawang 'yun." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Nako, Dahyun. Sinasabi namin sayo. Bantayan mo 'yang si Nayeon. Baka magayuma." Dagdag ni Tzuyu.
"Guys naman. Hindi parin ba kayo naniniwalang nagbago na si Jeongyeon?"
"Hindi parin. Iba parin yung pakiramdam ko sa isang 'yon eh." Sagot ni Momo.
"Guys naman. Nagkakakwentuhan lang sila dahil nakaka-relate sila sa isa't-isa. Nakikita ni Nayeon yung sarili niya kay Jeongyeon dahil pareho sila ng pinagdaanang problema. Parehong naghiwalay yung parents nila. Gusto lang ni Nayeon na mag-advice kay Jeongyeon. Yun lang 'yon." Paliwanag ko sa kanila.
"Ikaw rin. Baka maagawan ka." Dagdag ni Tzuyu kaya napakamot-ulo na lang ako.
"Hindi magagawa sakin ni Nayeon 'yun. May tiwala ako sa kanya noh. Napag-usapan na kaya namin ang tungkol kay Jeongyeon. Tinutulungan niya lang 'yung tao na makapagsimula ng bagong buhay." Sagot ko sa kanila.
"Mukhang pati si Nayeon nagbabagong buhay na." Sambit ni Mina.
"Huh?"
"Tingnan mo!" Napasilip ako sa bintana ng classroom namin. Nakita ko si Nayeon na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
"Wa--Wala naman akong nakikitang masama sa pakikipagkaibigan ni Nayeon sa ibang estudyante ngayon eh. Mabuti nga 'yang natututo na siyang maki-socialize."
"Nako. Ewan ko sayo, Kim Dahyun. Basta sinabihan ka na namin." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Ang cute kaya ni Nayeon. Look! Masaya siyang nakikipagusap at kwentuhan sa mga estudyante. Ang laki ng improvement niya." Sambit ko kaya napailing na lang sila Tzuyu.
"Sana lang huwag lumaki ang ulo ni Nayeon sa fame na meron siya ngayon." Extra ulit ni Momo.
"Hindi naman ganun si Nayeon eh. Alam kong hindi sinungaling si Nayeon. Basta naniniwala akong hindi magagawa sakin ni Nayeon 'yun." Depensa ko sa kanila.
"Guys! Tama na ngang kakaisip niyo ng kung ano-ano. Imbes na maging nega kayo, i-cheer niyo si Dahyun. Tsk." Sabi ni Sana kaya naman napangiti ako sa kanila. Mabuti pa 'tong si Sana eh.
"Daig pa kayo ni Sana!" Sabi ko kila Tzuyu.
Maya-maya, lumapit na samin si Nayeon. Ngiting-ngiti siya.
"Mukhang happy na happy ka ah."
"Siyempre nakita ulit kita eh." Sagot niya sabay kurot sa pisnge ko.
"See you later." Nagulat ako sa sinabi niya dahil akma na naman siyang paalis.
"Saan ka pupunta? Magsisimula na ulit ang klase eh."
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
