Nayeon's Pov:
"Ano ba talagang problema, Nayeon? Bakit ginawa mo yun kay Dahyun? Can't you see? She's trying to help you." Sambit ni Sana na nakatayo sa harapan ko.
"Pakialam ko? Sinabi ko bang tulungan niya ko? Isa pa, nakakatulong ba siya? Tsk." Nakakunot-noo kong sagot.
"Ayan. Palagi kang ganyan. Lahat ng sumusubok na tumulong sayo, itinataboy mo. Hanggang kailan ka magiging ganyan?"
"Hanggang sa lubayan na ko ng lahat."
"Lubayan? Seriously? Im Nayeon, Hindi kami lumalapit o nakikipagusap sayo para manggulo. Nandito kami bilang mga kaibigan mo na gusto kang makitang maging masaya." Dagdag niya.
"Enough, Sana. Hindi mo kasi ako naiintindihan. Baka mauwi lang 'to sa away." Sambit ko sabay akmang tatayo na kaso pinigilan niya ko.
"Humingi ka ng sorry kay Dahyun. Mag-apologize ka sa kanya." Natigilan ako sa sinabi ni Sana.
"Ako? Magaapologize kay Dahyun? What the hell, Sana? Nahihibang ka na ba? Wala akong kasalanan sa kanya!"
"Wala? Hindi tamang tabigin mo yung inaalok niya sayo kahit na badtrip ka."
"Teka nga. Ano bang pakialam mo sa kanya? Bakit kung umasta ka ngayon parang kinakampihan mo siya? Sino ba talaga ang kaibigan mo dito? Siya o ako?"
"Mygod, Im Nayeon. Wala akong kinakampihan. Gusto ko lang maisip mo na may mga tao paring concern talaga sayo. Nakikita kong isa na dun si Dahyun. Gusto niyang makipagkaibigan. Wala namang masama dun, diba?"
"Whatever, Sana." Tumayo na ko nang tuluyan.
"Saan ka pupunta?"
"Sa tambayan natin." Sagot ko sabay lakad na paalis. Tsk. Ang weird ni Sana ngayon. Pakialam ba niya sa Dahyun na 'yun? Kaibigan? Concern?
Nakakainis. Ako? Magsosorry? Never! Hindi ko naman kasalanan 'yun. Si Dahyun 'tong mapilit kahit sinabi ko nang ayoko. Parang ewan si Sana.
Nakakabigla lang na biglang nakigulo si Sana, samantalang kalmado lang naman siya palagi sa tuwing may nakakaalitan ako. Pero iba this time, nakikialam na siya sa mga pinaggagawa ko.
Wala lang talagang magawa ang Dahyun na 'yun kundi manggulo sa buhay ko. Umalis na ko't dumirestyo sa tambayan kung saan naabutan ko si Momo na kumakain ng kung ano-anong pagkain. Samantalang abala naman sa pagsecellphone si Mina.
"Oh, Look who's here. What's up, Im Nayeon? Mabuti naman lumabas kadin sa room na 'yun." Biglang sabi ni Momo sakin.
"Shut Up, Hirai Momo." Naupo na ko sa tabi nila.
"Mukhang badtrip ah. Nasaan na si Sana? Pinuntahan ka niya sa classroom eh. Nagkasalubong ba kayo?" Tanong naman ni Mina.
"Yes. Nagkita kami sa classroom. Nauna na kong pumunta dito. Mukhang may iba pa siyang gagawin eh."
"Tulad ng ano?" Tanong nila kaya naman napatikhom ako ng kamao.
"Tulad ng pagprotekta sa taong hindi naman niya kakilala." Nakakunot na sagot ko na lang sa kanila.
"Huh? What do you mean?" Tanong ulit nila.
"Basta!" Sagot ko sabay agaw sa kinakain ni Momo na tinapay.
"That's mine!" Reklamo niya.
"Well, sakin na ngayon. Todo reklamo 'to, palagi naman kitang nililibre eh. Daya nito." Sambit ko sa kanya kaya naman natameme si Momo.
"K, Fine. Im Nayeon, dumali na naman ang pagkamatigas ng ulo mo." Inis na sabi ni Momo sakin habang kinakain ko yung tinapay.
Matapos kumain, ihahagis ko na sana yung basura sa sahig nang bigla kong maalala ang bwisit na 'yun.
"May nalalaman pa siyang pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Whatever!" Bulong ko sabay hagis sa sahig ng kalat ko.
Kim Dahyun, you're nothing but a loser.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Hayran Kurgu"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
