Sana's Pov:
Nagdesisyon na kong pumasok ngayon. Wala namang mangyari kung magmumukmok lang ako sa bahay eh. Kapag nagmukmok ba ko, magugustuhan na ako ni Dahyun? Hindi naman eh.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom, narinig kong magchichismisan sila Jeongyeon. Hindi parin talaga sila tumitigil.
"Girls, nabalitaan niyo na ba? Sila Dahyun at Nayeon na!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Si---Sila na?
"Hindi nga ko makapaniwalang pinatulan ni Nayeon ang malanding Dahyun na 'yun!"
"Kawawa naman si Nayeon. Nauto ng isang gold digger." Napatikhom ang kamao ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Sumosobra na talaga sila.
"Pwede bang tigilan niyo na si Dahyun!" Inis na saway ko sa kanila.
"Oh. Look who's here. Ano na, Sana? Naniniwala ka nang pinapaasa ka lang ng Dahyun na 'yun? Kawawa naman kayo ni Nayeon. Pumayag kayong pagsabayin kayo ng malanding Da---" Sambit ni Jeongyeon kaya naman hindi ko na napigilan yung sarili kong sakalin siya dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita.
"Sana! Ano ba? Bitawan mo si Jeongyeon!" Awat sakin ng mga kaibigan niya.
"Hi--Hindi ako maka--hinga." Kinakapos na hiningang sabi ni Jeongyeon.
"Don't you dare say that again. I'm gonna kill you, Jeongyeon!" Hindi ko nagawang kontrolin yung emosyon ko. Wala siyang karapatang pagsabihan nang ganun si Dahyun.
Nagtulungan yung mga kaibigan niya para awatin ako kaya naman lumayo na ko sa kanila.
"Nasisiraan ka na ba? Papatayin mo ba ko? Papatay ka para sa Dahyun na 'yun? What the hell? Baliw!" Sigaw sakin ni Jeongyeon.
"I can do everything just to protect her. Leave her alone. I'm warning you." Seryosong sagot ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa classroom.
Wala pa si Dahyun at Nayeon. Mukhang male-late na naman sila.
"Welcome back, Sana." Sabi ni Chaeyoung sakin.
"Kumusta na, Sana? Bakit absent ka?" Tanong naman ni Tzuyu.
"Ah---sumama lang ang pakiramdam ko pero okay na naman ako ngayon."
"Guys! Nabalitaan niyo na ba?" Sabi ng isa naming classmate.
"Ano 'yun?" Tanong nila Mina.
"Totoo bang sila Dahyun at Nayeon na?" Tanong ng classmates namin.
"Hindi pa ba obvious? Kahit naman nung hindi pa sila, alam na naming magiging sila rin." Sabi naman ni Momo.
"Omg! Totoo nga!" Sabi ng classmates namin.
"Mabuti na ring nagkaaminan sila." Sambit ni Tzuyu.
"Eh kayo ni Momo, kailan magaaminan?" Tanong ni Chaeyoung.
"For your information, nagkiss na kami ni Tzuyu kaya posibleng maging kami na." Confident na sabi ni Momo kaya napatingin kami sa kanila ni Tzuyu.
"What the fvck?!" Pagrereact ni Chaeyoung.
"Pakialam namin kung nagkiss na kayo. Magkikiss rin kami ni Chaeyoung. Hindi namin minamadali ang bagay-bagay. Special yun kaya pinaghahandaan namin." Sabi naman ni Mina sabay akbay pa kay Chaeyoung.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fiksi Penggemar"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019