Sana's Pov:
Pinakamasakit na bahagi ng pagmamahal ko para kay Dahyun ay ang makita siyang masaktan nang dahil sa taong mahal niya.
Kitang-kita ko kung paano masaktan si Dahyun nang dahil kay Nayeon at Jeongyeon.
Sinundan ko si Dahyun. Ramdam na ramdam ko yung sakit na naramdaman niya nang makita niya kung anong ginagawa nila Jeongyeon.
Gustong-gusto ko nang sugurin si Nayeon para ipakita sa kanya kung anong dapat na leksyon ang nararapat sa ginawa niya. Bakit? Bakit kailangan niya pang gawin kay Dahyun 'yun?
Nagtatakbo si Dahyun palayo kaya agad siyang sinundan ni Nayeon. Sinundan ko rin sila sa labas ng venue. Nagtago ako sa isang sulok habang pinagmamasdan silang dalawa na naguusap.
Ayokong nakikitang malungkot si Dahyun. Ayokong nakikitang nasasaktan siya. Napatikhom na lang ako ng kamay habang pinakikinggan ang usapan nila.
Masyadong inabuso ni Nayeon ang pagmamahal na ibinibigay ni Dahyun sa kanya. Masyado siyang nagrelax sa mga bagay-bagay na dapat niyang gawin. Responsibilidad niyang pasayahin at alagaan si Dahyun. Pero anong ginawa niya? Sinayang niya yung pagmamahal at tiwalang ibinigay ni Dahyun sa kanya.
Si Dahyun ang bumuo sa magulong buhay ni Nayeon. Pero anong ginawa ni Nayeon? Sinira naman niya ang buong buhay ni Dahyun. Napakatanga mo, Im Nayeon.
Nang umalis na si Dahyun, naiwang nakatayo si Nayeon sa pwesto niya. Umiiyak. Hindi niya alam kung anong sinayang niya.
Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa. Lumapit ako sa kanya.
"Sinabihan na kita noon. Ayokong masaktan siya. Ayokong umiiyak siya. I warned you already."
"Sino ka para sabihin sakin 'yan? Wala kang pakialam sa buhay namin."
"May pakialam ako. Mahal ko 'yung sinaktan mo eh. Sinayang mo 'yung pagmamahal niya sayo. Anong ginagawa mo dito ngayon? Why don't you follow her? Tutunganga ka na lang ba?"
"Ayaw niya kong makita."
"Tsk. Hahayaan mo na lang siyang tuluyan nang lumayo? Kaya mo ba talaga siyang ipaglaban? What the hell, Nayeon? Responsibilidad mong pasayahin siya, hindi paiyakin."
"Ayaw niya kong makasama. Sinubukan ko nang mag-explain sa kanya." Pinulot niya yung bracelet at sandals ni Dahyun.
"Tsk. Malamang sinaktan mo siya eh. Wala ka man lang bang gagawin para ayusin kung anong problema niyo? Hahayaan mo na lang siyang umiyak? I can't believe it, Im Nayeon. Akala ko kaya mo siyang ipaglaban. Kung mahal mo talaga siya, gagawa ka ng paraan."
"Hindi ko alam kung anong dapat gawin para mapatawad niya ko." Nanatili lang siyang nakatayo sa pwesto niya. Inaasahan kong susundan niya si Dahyun pero wala siyang ginawa.
"Napakatanga mo, Im Nayeon." Inis na sabi ko sa kanya. Naramdaman kong unti-unti nang pumapatak yung ulan. Si Dahyun. Mag-isa lang siya ngayon.
Napailing na lang ako bago tuluyang tumakbo para habulin si Dahyun na umalis nang mag-isa. Bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong pakialam kahit nababasa na ko. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si Dahyun.
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019
