53: You Complete Me

462 23 3
                                    

Dahyun's Pov:

Hindi parin makapaniwala si Nayeon sa ginawa ko. Para siyang na-estatwa sa pwesto niya. Masyado bang nakakagulat yung ginawa ko?

Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko 'yun eh. Sobrang nag-enjoy ako ngayong araw. Grabe yung happiness na naramdaman ko.

Masaya akong na-overcome ko na yung fear sa matataas na lugar. Nakatulong talaga yung mga pangako ni Nayeon na hindi niya ko hahayaang masaktan o mapahamak sa pagsakay namin sa rides. Nagenjoy talaga ako nang sobra.

Hindi ko maiexplain yung extreme na experience na naranasan ko kasama siya. Siya lang yung nakapagpilit saking sumakay ng extreme rides. Komportable na talaga ako sa kanya.

Ibang-iba talaga yung feeling ko kapag nandiyan siya sa tabi ko. Pakiramdam ko walang makakapanakit sakin. Pakiramdam ko safe na safe ako. Sincere lahat ng sinasabi niya sakin. Bawat salita na bigkasakin niya, tumatatak sa puso't isipan ko.

Ngayon ko lang rin nakita yung bubbly side niya. Yung mga oras na nakasakay kami sa ride, hindi ko maiwasang isipin na ito talaga yung tunay na personality ni Nayeon.

Napaka-gentle at caring niyang tao. Baliw 'yung mga taong nagiisip na masama ang ugali niya. Sinayang nila yung pagkakataong makakilala ng isang katulad ni Nayeon.

H

indi parin siya makapaniwala sa mga sinabi't ginawa ko. Nakatitig lang siya sakin nang mag-agwat kami.

"Are you okay, Im Nayeon?" Natatawang tanong ko dahil para siyang natulala.

"Did---Did you just kiss me?" Napahawak siya sa labi niya kaya natawa na lang ako. Ang cute naman ng reaction niya.

"Di mo ba nagustuhan? Sorry. I'm a bad kisser." Nasabi ko na lang sabay kamot sa ulo. Tsk. Bakit ko pa kasi siya hinalikan? Masyado kong nadala ng emosyon ko.

"Oh my gooooooooood!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nagtatalon-talon pa siya. Para siyang baliw. Mabuti na lang walang ibang tao sa paligid.

"Na--Nayeon, anong nangyayari sayo?"

"Believe me or not, I love it!" Energetic na sagot niya sabay yakap sakin nang mahigpit.

"Ba--Baliw ka talaga haha." Tinapik ko na lang siya sa balikat.

"I love you. Ikaw? Love mo rin ba ko?" Tanong niya habang kayakap ako.

"Gagawin ko ba yun kung hindi?"

"Ta--Talaga? Love mo ko?" Ngiting-ngiti siyang naghihintay ng isasagot ko.

"Yes. I love you, Im Nayeon."

"Sigurado ka? Hindi bilang kaibigan? Walang halong biro?"

"Hindi bilang kaibigan o ano pa man. Mahal na talaga kita." Pag-amin ko sa kanya.

"Yeeeeeeeeeeeeeeees!" Nagsimula na naman siyang magwala na parang nanalo ng lotto. Hindi ko mapigilang matawa sa cuteness niya.

"Para ka talagang sira, Nayeon. Hahaha."

"I can't believe it. So --- tayo na?"

"Yes. Tayo na." Nakangiting sagot ko sa kanya kaya mas nagwala siya. Nakakatawa talaga siya.

"Finally, you're already mine." Hinawakan niya ko sa kamay.

"You're my first love and my first kiss. Please don't hurt me." Pag-amin ko sa kanya.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon