45: S m i l e

461 21 2
                                        

Dahyun's Pov:

Lumipas ang isang linggong paghahanda para sa ipepresent naming picture para sa project namin.

Nakapagdesisyon na ko kung anong picture ang ipepresent ko. Wala nang mas sasaya pa sa moment na 'yun.

Pagdating ko palang sa gate, sumulpot na agad si Nayeon.

"Oh. Nandito ka na naman sa gate. Kanina ka pa?"

"Kanina pa."

"Bakit hindi ka pa pumunta sa classroom?"

"Kasi nga gusto kitang kasabay maglakad sa hallway." Ngiting-ngiti siya sakin.

"Bakit naman? Wala namang pagkakaiba yung paglalakad nang mag-isa o kasama ko sa hallway eh. Haha." Sagot ko na lang sa kanya.

"Meron kayang pagkakaiba 'yon!"

"Ano naman?" Nagsimula na kaming pumasok sa loob nang magkasabay.

"Kapag mag-isa akong naglalakad sa hallway, hindi ko ramdam ngumiti. Pero kapag kasabay kita, naeenjoy ko kahit paglalakad sa hallway." Napahinto ako sa sagot niya't napalingon sa kanya.

"Huh?"

"Masaya ako kapag kasama kita, Dahyun. Isa pa, gusto kong ipamukha sa mga inggiterang nangaaway sayo na walang makakapigil sakin na makipagusap sayo. Gusto kong malaman nila na wala silang magagawa." Dagdag niya.

"Ikaw talaga." Nasabi ko na lang sabag tuloy sa paglalakad kasama siya.

"Hindi ka ba naniniwala? Totoo 'yung sinasabi ko." Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinasabi niya kundi hindi ko nagugustuhan 'tong nararamdaman ko sa tuwing may sasabihin siyang nakakapagpabilis nang todo sa puso ko.

I know it isn't right. We're friends. Hanggang dun lang 'yun. Hindi ako pwedeng makaramdam nang higit pa dun. Wala naman akong karapatang magkagusto sa kanya dahil nasa taas siya, nasa baba ako. Gusto siya ng lahat, marami namang may ayaw sakin.

"Nakakatuwa ka kayang kasama." Dagdag pa niya sakin kaya umisip ako ng paraan para maiba ang topic namin.

"May gawa ka nang project na ipepresent natin?"

"Oo naman. Pinageffort-an ko kaya yun." Sagot niya sakin.

"Mabuti naman. Goodluck satin mamaya."

"Kinakabahan ka ba? Don't worry, suportado kita." Sagot niya sabay akbay ulit sa balikat ko. Bakit ganito? Habang mas lumalapit siya sakin, parang mas gustong magwala nung puso ko.

"Ah. Eh. Ang bigat ng braso mo. Tsk." Sabi ko sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko.

"Aish. What did I told you, Kim Dahyun? Wala akong pakialam sa pinaguusapan ng ibang estudyante tungkol satin. Relax ka lang. Akong bahala sayo." Sabi niya sabay wink pa sakin kaya napahinga na lang ako nang malalim.

"Bilisan na nga natin ang paglalakad." Sambit ko sabay lakad na nang mabilis.

"Yah! Hintayin mo naman ako. Masyado kang nagmamadali eh." Sabi niya sabay sunod na sakin.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon