11: Stop

625 32 2
                                    

Dahyun's Pov:

Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Mama Jihyo.

"Kumusta ka na, Anak?" Naupo siya sa tabi ko.

"Ayos naman po."

"Napansin ko kasing ang tahimik mo simula nang umuwi ka. May problema ba?"

"Wa--Wala naman po. Si--Siguro po pagod lang 'to."

"Sabi ko naman sayo eh. Hindi mo na ko kailangan pang tulungan sa pamamahala sa karinderya. Magpahinga ka muna." Inayos ni Mama ang buhok ko.

"Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko naman po eh."

"Ayoko lang ng napapagod ka, Anak. Responsibilidad kong tiyakin na maayos ang kalagayan mo."

"At responsibilidad ko rin pong tiyakin na maayos rin ang kalagayan niyo. Huwag niyo pong pwersahin ang sarili niyo sa pagtatrabaho."

"Napakabait talaga ng baby ko~" Kinurot-kurot pa ko ni Mama sa pisnge.

"Hindi na po ko bata~"

"Hahaha. Kumusta na ba ang pagpasok mo sa school kasama sila Chaeyoung at Tzuyu? May mga bago ka na bang kaibigan? Wala bang nambubully sayo?" Natigilan ako sa mga tanong ni Mama.

"A--Ayos naman po kami nila Tzuyu. Hindi po nila ko pinababayaan. Marami na po kong bagong kaibigan. Wa--Wala naman pong nambubully sakin."

"Sigurado ka? Sabihin mo lang sakin kung meron, uupakan ko!" Naka-ambang sabi ni Mama Jihyo kaya naman napangiti na lang ako.

"The best ka talaga, Mama!" Sambit ko sabay yakap sa kanya.

"Ako pa? Alam mo namang ayokong nasasaktan ang baby girl ko eh~"

"Mama naman ~ Hindi na nga po ko bata."

"Hahaha. Ikaw parin ang baby ko. Baby ka parin para sakin, Anak." Nakangiting sabi ni Mama.

"Mama, may itatanong ako."

"Ano yun?"

"Ano pong dapat gawin kapag gusto kong maging kaibigan yung isang tao pero mukhang ayaw naman niya kong maging kaibigan?" Sandaling napahinto si Mama sa tanong ko.

"Anong gagawin mo? Wala kang gagawin, Anak. Ang malas naman ng taong tatanggi na maging kaibigan ang isang tulad mo na may mabuting puso. Kung ayaw nila sayo, huwag mo silang pilitin. Hindi ka nila deserve. Hayaan mong maisip nila na sinayang nila ang isang Kim Dahyun." Proud na sagot ni Mama.

"Ta--Tama po kayo. Hehehe."

"Bakit? Sino ba 'yang ayaw makipagkaibigan sayo? Uupakan ko!" Dagdag ni Mama.

"Po? Ah--Wala naman po. Nagbanggit lang po ko ng scenario." Napakamot na lang ako sa ulo.

"Ganun ba? Sige na. Lumalalim na ang gabi. Magpahinga ka na't matulog. May pasok ka pa bukas. Goodnight, Anak." Sambit ni Mama sabay labas na ng kwarto.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Mama. Tama siya, hindi ko na dapat pa pinipilit ang ayaw sakin. Siguro nga dapat na tigilan ko na ang pangungulit kay Nayeon.

Gusto ko lang naman siyang makitang masaya. Ayoko ng nakakahawang lungkot niya. Sa tuwing pagmamasdan ko siyang mag-isa habang nagmumukmok, parang nararamdaman ko rin yung malalim na iniisip niya.

Siguro may mabigat siyang pinagdadaanan kaya nagkakaganun siya. Wala na naman akong magagawa kung ayaw niyang makipagkaibigan sakin.

Lulubayan ko na lang siya. Kahit na nagsusungit si Nayeon sakin, masaya naman akong tinatrato ko nang maayos ni Sana. Unang pagkikita palang namin, alam ko nang magiging mabuti siyang kaibigan.

Mas naeexcite tuloy akong maging kaibigan rin sila Mina at Momo. Naalala ko yung sinabi ni Sana na mahilig daw sa pagkain si Momo samantalang mahilig naman sa games si Mina.

Nakaisip ako ng magandang ideya. Ano kaya kung magbake ako ng cookies para sa kanila?

Nagmadali na kong magsagot ng assignment para naman makapagsimula na ko sa pagbe-bake. Nang matapos sa assignment, nagfocus na ko sa paggawa ng cookies para sa kanila bukas.

Habang inaasikaso ang cookies, naisip ko naman kung anong pwedeng gawin para maging friends rin kami ni Mina. Mahilig siyang maglaro ng games. Ano kaya kung humingi ako ng tulong kila Chaeyoung?

Sa totoo, mahilig rin naman maglaro si Chaeyoung ng games eh. Wait! Ano kaya kung hayaan ko rin sila Chaeyoung at Tzuyu na maging kaibigan sina Mina? Masaya 'yon!

Mas marami, mas masaya.

Habang hinihintay na matapos ang pagbebake ng cookies, tinawagan ko na muna si Chaeyoung.

On the Phone:

"Hello, Chaeyoung!"

"Oh? Bakit? Gabi na eh. Tumatawag ka pa."

"I need your help."

"Huh?"

"Diba mahilig ka rin naman sa games? Ano ba yung nilalaro mo? Mobile Legends ba 'yon?"

"Oo, Bakit?"

"Sabay-sabay na tayong magrecess bukas."

"Dahyun, Palagi naman tayong sabay magrecess. Sinasabi mo?"

"Basta, magiging masaya bukas ang pagtitipon-tipon natin. Excited na ko."

"Di ko alam sinasabi mo. Bye na. Inaantok na ko."

"Aish. Son Chaeyoung!"

"Ano na naman ba?"

"Kahit matulog ka, hindi ka na tatangkad! Hahaha."

"Nagsalita ang matangkad." Sagot niya sakin.

"Hahahaha. Sorry na. Pumasok kayo ng maaga bukas ah."

"Okay. Susubukan ko."

"Lagi naman kayong late ni Tzuyu."

"Di ka pa ba nasasanay? Haha." Natatawang tanong niya.

"Aish. Sige na nga! Bye na. Hahaha."

End Call

Napangiti na lang ako nang matapos ko na ang pagbebake ng cookies. Finally!

"Excited na ko para bukas." Masayang sabi ko bago tuluyang pumasok sa aking kwarto.

"It's time to stop asking Nayeon to be my friend." Nasabi ko na lang bago tuluyang ipikit ang mata ko.

💖To Be Continued💖

A/N: Guys! Fighting. Hahahaha.

Don't forget to leave some comments. Saranghaeyo.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon