5: Be Careful

740 36 6
                                        

Dahyun's Pov:

Pabalik na kami sa room dahil tapos na ang recess time, bigla na lang akong binatukan nang slight ni Chaeyoung.

"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko sabay lingon sa kanila.

"Dahyun. Tigilan mo nang pakikipag-usap sa grupo nila Nayeon." Sabi ni Tzuyu.

"Bakit ba? Guys. Wala naman silang masamang ginagawa sakin eh."

"Wala pa sa ngayon. Nag-aalala lang kami na baka pag-initan ka ng mga 'yun eh." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Saka, alam mo bang pinaguusapan ka ng maraming estudyante?" Tanong naman ni Tzuyu.

"Bakit naman?"

"Bakit? Ikaw ang kauna-unahang naglakas loob na ipilit kay Nayeon ang ayaw niya." Paliwanag nila.

"Anong ayaw?"

"Hindi tumatanggap si Nayeon ng regalo o kung ano pa man mula sa ibang estudyanteng nababaliw sa kanya. Tapos eextra ka para ipilit sa kanya yung cookies ng isang estudyante. Mygod, Kim Dahyun." Dagdag nila kaya napakamo-ulo ako.

"Sayang naman kasi 'yun. Nagbake ng cookies yung student para sa kanya. Tama lang na tanggapin niya." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Nako! Sinasabi na namin sayo, Dahyun. Kapag nabwisit sayo ang grupong 'yon, mapapa-trouble ka." Banta nila.

"Mukhang hindi naman sila masasamang tao eh."

"Tsk. Sinabihan ka na namin, Dahyun. Please be careful." Sambit nila sabay lakad na pabalik sa loob ng room. Sumunod na lang din ako sa kanila't naupo na sa pwesto ko.

Maya-maya, dumating na rin ang grupo nila Nayeon. Ngumiti ako nang mapalingon sakin si Nayeon pero hindi niya ko inimik o nginitian man lang. Ang sungit talaga. Di bale, ngingiti rin siya someday.

Kailangan niya lang ng makakaunawa sa kanya. Natigilan ako nang biglang lumapit sakin ang isa sa miyembro ng grupo nila. Sino nga ba 'to? Yung mukhang penguin.

"Hey, Dahyun. Right?" Tanong niya sabay tingin sakin kaya napatango na lang ako.

"O--Oo. Ako nga. Bakit?"

"Nice to meet you. My name is Mina." Pagpapakilala ni Mina sakin sabay alok ng shake hands.

Medyo napahinto ako sa biglaang pagpansin sakin ni Mina. Anyare? Napalingon ako sa buong paligid. Nakatingin samin ang iba pang estudyante. Nagbubulungan yung iba. Ano bang gagawin ko?

"He--Hello, Mina." Nasabi ko na lang sabay shake hands sa kanya.

"Keep it up." Sambit niya sabay tapik sa balikat ko.

"Ang alin?" Hindi ko siya nagegets.

"Basta. Ipagpatuloy mo lang kung anong trip mo." Sagot niya sabay ngiti bago bumalik sa upuan niya.

"Bakit kinausap mo siya?!" Rinig kong tanong nung matakaw kay Mina.

"Momo, Ano ka ba? Interesado kong makita kung paano niya kulitin si Nayeon." Rinig kong sagot ni Mina. So, Momo pala ang pangalan ng isang 'to.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon