28: A Date?

526 26 3
                                        

Dahyun's Pov:

Nang dumating ako sa classroom, napansin ko agad si Nayeon na nakaupo sa upuan sa isang sulok.

Akala ko nagsasoundtrip siya, nagulat na lang ako nang makita siyang natutulog. Nakaupo siya tapos nakasandal lang ang ulo sa pader.

Sa posisyon niya, sigurado kong sasakit ang leeg nito mamaya dahil sa ngalay. Kulang ba siya sa tulog? Nakanganga pa eh.

What should I do? Hahayaan ko na lang bang mangalay siya? Nagdadalawang isip kasi akong lapitan siya dahil baka maabala ko ang pagtulog niya.

Naupo na lang ako sa pwesto ko pero habang tumatagal, naiisip kong wala namang masama kung tulungan ko siya eh. Para sa kanya rin 'tong gagawin ko.

Agad na kong tumayo sa pwesto ko't lumapit sa kanya. Dahan-dahan ako sa bawat kilos na ginagawa ko.

"Paano ba 'to?" Bulong ko na lang habang inaalam pa kung paano siya matutulungan.

Alam ko na! Iu-ubob ko na lang siya sa table nitong armchair. Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa ulo para ibahin ang pwesto niya kaso bigla siyang gumalaw dahilan para magulat ako.

Sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa, nagkatinginan kami.

"Ah! So---Sorry." Nasabi ko na lang sabay layo sa kanya. Aish. Nagising siya. What should I do?

"Ginagawa mo?" Seryosong tanong niya sabay kamot sa ulo.

"Ah. Eh, natutulog ka kasi sa hindi magandang posisyon. Baka kasi sumakit ang leeg mo mamaya kapag tumagal ka pa sa ganyang posisyon. I'm just trying to help. So--Sorry sa panggigising sayo." Paliwanag ko habang nakatingin lang siya sakin na may kunot-noong kasama.

"Pakialam mo?" Inis niyang tanong sakin.

"So---Sorry sa pangiistorbo. Tu---Tulog ka na lang ulit."

"Sa tingin mo, ganun lang kadaling gumawa ng tulog? Aish. Hindi na nga ko gaanong nakatulog sa bahay eh."

"Sorry talaga. Mu---Mukhang puyat ka eh."

"Puyat na puyat talaga. Nang dahil sa bwisit na tao, hindi ako masyadong nakatulog sa bahay. Inis na inis ako sa taong 'yon. Wala naman akong pakialam sa kanya pero buong magdamag siyang nasa isip ko!"

"Ga---Ganon? Akala ko ako ang pinakabwisit sa buhay mo. Meron pa palang mas malala. Buti naman." Sambit ko na lang sa kanya sabay smile nang slight.

"Kim Dahyun!"

"Bakit?"

"Tatanggapin ko ang apology mo sa ginawa mong pambubulabog sa tulog ko sa isang kondisyon."

"Sige. Ano ba 'yun?"

"Hindi sa interesado ko. Gusto ko lang na sagutin mo 'tong tanong ko nang matino. Subukan mong tumawa, lagot ka sakin."

Ano kayang ibig niyang sabihin? Bakit naman ako tatawa? Ano bang tanong niya? Ayan na naman siya eh. May tanong na naman siya tapos hindi niya itutuloy. Nakucurious tuloy ako sa tanong na 'yun.

"Sige na. Sabihin mo na."

"Pwe---Pwede ba tayong maging magkaibi---" Natigilan si Nayeon nang biglang dumating sila Sana, Mina at Momo.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon