64: Better

338 17 1
                                    

Nayeon's Pov:

Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw. Mabuti na lang naintindihan ni Dahyun. Gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na ang Dahyun ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mom sakin.

"Masama parin po ang pakiramdam ko." Nakahiga lang ako sa kama ko.

"Inumin mo yung mga gamot na iniwan ko sa table. Okay? Paano? Kailangan kong asikasuhin yung flower shop eh. Okay ka lang ba dito?" Tanong ni Mom sakin.

"Thanks, Mom. Okay lang po ako. Nandiyan naman po yung maids eh."

"Sige. See you later, Anak. Pagaling ka." Hinalikan ako ni Mom sa forehead bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Dahil sa pagkabored, naisipan kong tawagan si Jeongyeon.

On The Phone:

"Hey Jeongyeon."

"What's Up?"

"Good Morning." Matamlay na bati ko.

"Oh. Bakit parang ang weird ng boses mo? Are you okay?"

"Ye--Yeah. Masama lang nang kaunti ang pakiramdam ko. Absent ako ngayon."

"Talaga? Omg. Pagaling ka. Ayan! Masyado ka sigurong nag-enjoy sa party kahapon. Nagkasakit ka tuloy. Haha."

"Siguro nga haha."

"Don't worry. Pupunta ko diyan maya-maya."

"Hoy! Don't tell me aabsent ka mamaya sa next subjects mo para lang puntahan ako?!"

"Ganun na nga. Don't worry. It's okay. Basta pupuntahan kita diyan."

"Huwag na. Pupunta naman si Dahyun mamayang uwian dito."

"Mamaya pa naman siyang uwian pupunta diyan. Basta pupunta ko diyan maya-maya para may kakwentuhan ka."

"Tsk. Pasaway ka talaga."

"Wala kang magagawa. Akong bahala sayo. Ako munang mag-aalaga sayo habang wala pa si Dahyun. Okay? Sige na. Bye na muna."

"Aish. Sige na. Bye na muna."

End Call

Pasaway talaga si Jeongyeon. Sira ulo din 'yon eh. Kakulit-kulit. Pero na-appreciate ko yung effort niya para puntahan ako. Makalipas ang ilang oras, dumating na si Jeongyeon sa bahay. May bitbit siyang mga prutas.

"Nag-abala ka pa. Dapat hindi ka na gumastos." Sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba? Wala 'to. Gusto kong gumaling ka kaagad. Kainin mo 'to ah." Sagot niya sabay upo sa silya sa tabi ng kama ko.

"Sige na po. Salamat."

"Let me check kung okay ka na." Hinawakan niya ang forehead ko.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon