Nayeon's Pov:
Maaga akong kumilos para pumasok sa school. Gusto kong makita si Dahyun eh. Curious ako kung mas nagenjoy siya sa bonding nila ni Sana kaysa sa bonding namin noon. Bakit ba?!
Naglalakad ako sa hallway nang biglang may humarang sa harapan kong kung sino.
"He--Hello, Nayeon. Good morning." Sino ba 'to? Paharang-harang sa daan.
"Excuse me." Lalakad na sana ako kaso hinawakan niya ko sa braso kaya napakunot-noo ako sa kanya.
"Sino ka ba? Bakit ba?"
"Ako nga pala si Jeongyeon. Graduating na din ako. Magkabatch tayo."
"Tapos?"
"Sana maging magkaibigan tayo."
"Sorry, I'm not interested. Aalis na ko. May kailangan pa kong kausapin."
"Sino? Si Kim Dahyun?" Napahinto ako.
"Nakita mo si Dahyun? Nasaan siya?"
"Nasa likod ng school. Nakikipaglandian kay Sana." Hindi ko nagustuhan ang sagot niya.
"Anong sinabi mo?!"
"To--Totoo naman eh. Nandun silang dalawa sa likod ng school, sa tambayan niyo."
"Hindi ganung klase ng babae si Dahyun. Mag-ingat ka sa sinasabi mo."
"Pinagsasabay lang naman kayo ni Dahyun eh."
"What the fvck? Walang filter yang bibig mo ah. Enough! Ayoko nang malalaman na sinasabihan mong malandi si Dahyun. Sino ka ba sa akala mo? Huh? Ang lakas pa ng loob mong kausapin ako. B*tch."
"Makikita mo. Mari-realize mo ring ginagamit lang kayo ni Dahyun para sumikat siya."
"Let me kill you." Lalapitan ko na sana siya kaso dumating yung mga kaibigan niyang babae.
"What's happening here, Jeongyeon?" Tanong nila sa bwisit na 'to.
"Omg! Si Nayeon!" Gulat nilang sabi nang malamang ako ang kausap ni Jeongyeon.
"O m g ! Close na kayo, Jeongyeon?" Kinikilig pang tanong nila.
"Seriously? Kami? Magiging close? No way. Never." Sagot ko sabay angat ng isang kilay kay Jeongyeon.
Natahimik yung mga kasama niya. Napansin kong familiar ang mga mukha nila. Biglang pumasok sa isip ko yung araw na pinagtulungan si Dahyun ng mga inggiterang estudyante.
"Aba! Kayo yung nambully kay Dahyun noon, diba?!" Inis kong tanong sa kanila.
"Huh? Ah. Hi--Hindi kami 'yon."
"Natatandaan ko kayo. Ako pa lolokohin niyo? Jeongyeon, Mukhang may kinalaman ka sa pangyayaring 'yun ah. Dapat sa inyo tinuturuan ng leksyon eh. Pasalamat kayo ayaw ni Dahyun na gantihan pa kayo. Kung ako lang ang masusunod, ipinahiya ko na kayo sa harapan ng maraming tao. Ang masasabi ko lang, huwag na huwag niyo nang guguluhin si Dahyun. Kung ano man yang iniisip niyo tungkol sa kanya, bahala kayo. Alam ko sa sarili kong hindi masamang tao si Dahyun. Diyan na nga kayo!" Umalis na ko dahil baka mas mabadtrip lang ako.
Mga pesteng 'yun. Kaaga-aga sinisira ang araw ko. Pakialam ko sa kanila? Naiinggit lang sila kay Dahyun. Nagmadali na kong tumakbo papunta sa tambayan namin.
Naabutan kong magkasama sina Sana at Dahyun. Nagkukwentuhan sila. Natigilan ako nang makitang pinisil-pisil ni Sana sa pisnge si Dahyun. Bakit ganito? Kapag nakikita ko silang ganun ka-close, nasasaktan ako.
Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa, lumapit na ko sa kanila.
"Oh! Good morning, Nayeon." Bati nila samin.
"Mukhang nagenjoy talaga kayo kahapon ah."
"Oo naman. Ang ganda sa beach resort nila. Ang bait ng parents niya. Ang cute ng dog stuffed toy na ibinigay niya." Kwento ni Dahyun. Gustong-gusto kong nageenjoy siya sa mga bagay na ginagawa niya pero sa kabilang banda, parang may di maganda eh.
"Mas mageenjoy ka sa ibibigay kong chocolates sayo mula sa chocolate factory namin."
"Omg! Talaga? I love chocolates."
"And I love you." Napalingon sakin si Sana at Dahyun.
"Anong sabi mo?" Mabuti na lang hindi narinig ni Dahyun yung sinabi ko. Nagkatinginan kami ni Sana.
"Sabi ni Nayeon, ang cute mo daw." Sagot ni Sana kay Dahyun. Paepal. Di naman yun yung sinabi ko eh.
"Kim Dahyun!" Tawag nila Chaeyoung at Tzuyu kay Dahyun.
"Guys, Puntahan ko lang sila Tzuyu." Paalam ni Dahyun samin sabay punta na kila Tzuyu.
Naiwan kami ni Sana na nakaupo sa tambayan. Ilang segundo rin kaming nanahimik.
"Akala ko ba hindi mo gusto si Dahyun?" Tanong ni Sana.
"Gusto ko siya bilang kaibigan."
"Alam mong interesado ko sa kanya, diba?"
"O--Oo. Alam ko."
"Interesado ka rin ba sa kanya?" Tanong ni Sana sakin.
"Paano kung sabihin kong oo?" Natahimik ulit si Sana sa sinabi ko.
"Joke! Hahahaha." Tawa ako nang tawa sa tabi ni Sana.
"Ba--Bakit tumatawa ka?"
"Magkaibigan lang kami ni Dahyun. Ano ka ba? Haha." Sagot ko kay Sana sabay tawa. Yun ang pagkakaalam kong nararamdaman ko para sa kanya. She's a good friend. Siguro nga friendship lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya.
"Good. Sige na. Punta na ko sa classroom." Paalam ni Sana bago tuluyang umalis. Bigla akong napahinga nang malalim.
Ano bang iniisip ko? Nakakabaliw. Natutuwa akong naging kaibigan ko si Dahyun. Mabait. Maalaga. Mapagmahal. Maalalahanin. Marami pa siyang katangian na talagang gustong-gusto ko.
Nagdesisyon na rin akong pumunta sa classroom. Naabutan kong magkatabi na naman sila Dahyun at Sana.
"Ang cute mo talaga!" Sabi ni Sana sabay gulo sa buhok ni Dahyun.
"Sana naman eh ~ Haha. Porke't kamukha mo lang yung stuffed toy na ibinigay mo sakin." Sagot ni Dahyun sa kanya.
Pinagmasdan ko lang silang magkulitan. Nakakahawa talaga yung smile ni Dahyun. Ang cute niya talaga.
"Hoy! Sana at Dahyun, Mag-agwat nga kayo. Kanina pa kayo nagkukulitan diyan eh." Sabi ni Momo.
"May nagseselos kaya!" Sabi naman ni Mina sabay tingin sakin.
"Bakit ako magseselos?!"
"Ooops! Wala kaming minention sa name. Hihihi." Sabi ni Mina sabay peace sign nang makitang kumunot-noo na ko. Itinuon ko na lang sa ibanv bagay ang atensyon ko.
❤To Be Continued❤
A/N: Hindi na ko nagreview. Hahaha. Ayan! Isa pang update. Love na love ko kayo eh lol. Fighting! Makatulog na nga hahaha. Ang lakas ng ulan dito ngayon o m g.
![](https://img.wattpad.com/cover/157128011-288-k37897.jpg)
BINABASA MO ANG
You Should Talk
Fanfic"Whenever I'm asking, you should talk." - Nayeon "You're the one who ruined everything." - Dahyun My 1st DaYeon fanfiction. Please, Support me. Thank you. Date Started: August 05, 2018 Date Completed: January 09, 2019